album cover
Aliw
3
Pop
Aliw wurde am 4. Februar 2009 von Vicor Music als Teil des Albums 18 Greatest Hits Didith Reyes veröffentlicht
album cover
Veröffentlichungsdatum4. Februar 2009
LabelVicor Music
Melodizität
Akustizität
Valence
Tanzbarkeit
Energie
BPM69

Musikvideo

Musikvideo

Credits

PERFORMING ARTISTS
Didith Reyes
Didith Reyes
Performer
COMPOSITION & LYRICS
George Canseco
George Canseco
Songwriter

Songtexte

Ang magdulot ng aliw
At magkunwaring giliw
Sa sinumang aking makatabi
'Yan ang hanapbuhay ko
At 'yan ang nalalaman mo
Aliw ang dulot ko gabi-gabi
Ngunit habang ako'y sumasayaw
Ikaw rin ang tinatanaw
Marahil ay sadyang 'di mo alam
Marunong din akong magmahal
Marunong ding magdamdam
Mula nang maipatawag mo
Sana'y ipagpatawad mo
Noon pa ma'y lihim kang minahal
At nang matitigan mo
Nagbago ang aking mundo
Makasalanang nagpakabanal
Minsan akala mo'y galit
Lamang ay naghinanakit
Nang abutan mo ng kabayaran
Ginising sa katotohanan
Na ako'y ganito lamang
Ganyan ba ang aliw?
Kung 'yan sa 'yo'y aliw
Ito'y nama'y tinik sa puso ko
Ganyan ba ang aliw?
'Yan ba sa 'yo'y aliw?
Aliw ang magdamdam ako sa 'yo
Ganyan ba ang aliw?
Kung iyan sa 'yo'y aliw
Ito nama'y tinik sa puso ko
Ganyan ba ang aliw?
'Yan ba sa 'yo'y aliw?
Aliw ang magdamdam ako sa 'yo
Dahil 'di mo napansin
Ay ibinaling ang tingin
Sa init ng ibang pagmamahal
Ngunit siya man ang katabi
Batid ng Diyos araw-gabi
Ikaw pa rin ang siyang dinarasal
Pala'y hindi maaaliw
Bagkus ako'y mababaliw
Kapag iba ang siyang kapiling ko
Dalangin ko'y malaman mong
Mahal kitang totoo
Ganyan ba ang aliw?
Kung 'yan sa 'yo'y aliw
Ito'y nama'y tinik sa puso ko
Ganyan ba ang aliw?
'Yan ba sa 'yo'y aliw?
Aliw ang magdamdam ako sa 'yo
Ganyan ba ang aliw?
'Yan ba sa 'yo'y aliw?
Aliw ang magdamdam ako sa 'yo
Ganyan ba ang aliw?
Written by: George Canseco
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...