Top-Songs von Just Hush
Credits
PERFORMING ARTISTS
Just Hush
Performer
December Avenue
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Just Hush
Songwriter
Songtexte
Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong
Damang-dama na ang ugong nito
'Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding-hindi ko ipararanas sa 'yo?
Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pagsinta
Ba't 'di pa patulan ang pagsuyong nagkulang?
Tayo'y umaasang hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan, at bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sa 'yo
Ba't 'di pa patulan ang pagsuyong nagkulang
Tayo'y umaasang hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan, at bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sa 'yo
Saan nga ba patungo?
Nakayapak at nahihiwagaan
Ang bagyo ng tadhana ay
Dinadala ako sa init ng bisig mo
Ba't 'di pa patulan ang pagsuyong nagkulang
Tayo'y umaasang hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan, at bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sa 'yo
Ba't 'di pa sabihin ang hindi mo maamin?
Ipauubaya na lang ba 'to sa hangin?
Huwag mong ikatakot ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako't nakikinig sa 'yo
Oh, oh, oh, oh, whoa
Oh, oh, oh, oh, whoa
Oh, oh, oh, oh, whoa
Ohh
Ba't 'di pa patulan ang pagsuyong nagkulang
Tayo'y umaasang hilaga't kanluran (hey)
Ikaw ang hantungan (ikaw), at bilang kanlungan mo (oh)
Ako ang sasagip sa 'yo (ako ang sasagip sa 'yo)
Ba't 'di pa sabihin ang hindi mo maamin?
Ipauubaya na lang ba 'to sa hangin?
Huwag mong ikatakot ang bulong ng damdamin mo (whoa)
Naririto ako't nakikinig sa 'yo
Ako ang sasagip sa 'yo (ako ang sasagip sa 'yo)
Ako ang sasagip sa 'yo (ako ang sasagip sa 'yo)
Ako ang sasagip sa 'yo (ako ang sasagip sa 'yo)
Ako ang sasagip (ako ang sasagip)
Writer(s): Just Hush
Lyrics powered by www.musixmatch.com