album cover
Sagada
album cover
Sagada wurde am 24. Januar 2020 von Viva Records Corporation als Teil des Albums Sagada - Single veröffentlicht
Released24. Januar 2020
BPM103
Melodizität
Akustizität
Valence
Tanzbarkeit
Energie

Songtexte

[Verse 1]
Balang araw ay kakayanin ko ring
Makita na ikaw ay wala na sa'king piling
Kahit na mahirap kalimutan ang lahat ng alaala
Iyong tandaan na ako'y masayang ika'y malaya na
[PreChorus]
Ako ay pipikit, hihinga ng malalim sa huli ay bibitaw
[Chorus]
Sagada, kung sa'n lahat ay isinigaw
Sa langit na ikaw ay muling matanaw
Sagada, ang tagpuan kung sa'n itinakdang magwakas
Ang kwento ng ako at ikaw
Ikaw ang natitirang takbuhan
Ng pusong ligaw at giniginaw
[Verse 2]
Bawat ngiting sa aki'y tumatak
Ang kapalit ay mga luhang pumapatak
Ako'y nawawasak
[PreChorus]
Ako ay pipikit, hihinga ng malalim sa huli ay bibitaw
[Chorus]
Sagada, kung sa'n lahat ay isinigaw
Sa langit na ikaw ay muling matanaw
Sagada, ang tagpuan kung sa'n itinakdang magwakas
Ang kwento ng ako at ikaw
Ikaw ang natitirang takbuhan
Ng pusong ligaw at giniginaw
[Bridge]
Sagada, kung sa'n ikaw ay bumitaw
Kung sa'n binulong ang lahat ng sigaw
Sagada, kung sa'n lilimutin ang sakit
Na dulot ng iyong pagalis
[Chorus]
Sagada, kung sa'n lahat ay isinigaw (Ay isinigaw)
Sa langit na ikaw ay muling matanaw (Muling matanaw)
Sagada, ang tagpuan kung sa'n itinakdang magwakas (Paalam na, paalam na)
Ang kwento ng ako at ikaw (Ako ay bibitaw na)
Ikaw ang natitirang takbuhan
Ng pusong ligaw at giniginaw
[Outro]
Sagada
Written by: Gian Bernardino
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...