Credits
PERFORMING ARTISTS
Zephanie
Lead Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Jonathan Manalo
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Jonathan Manalo
Producer
Songtexte
Nandito ako dahil sa 'yo
Hindi ko alam kung kakayanin kung hindi kita kasama
Sa aking paglipad, ikaw ang hanging nagdala
Sa akin sa mga bituin
Pangarap ko ay ang pangarap mo
Iaalay sa 'yong s'yang unang nagbigay
Ng tiwala't pagmamahal na walang kapalit
Nang dahil sa 'yo'y mabubuo ang pangarap kong pangarap mo
Nagtiwala kang kakayanin ko'ng lahat
Nabura ang mga pag-alingan ko dahil sa 'yo
Pinakita mo sa akin mga kaya kong gawin
At huwag matakot abutin at liparin itong
Pangarap ko ay ang pangarap mo
Iaalay sa 'yong s'yang unang nagbigay
Ng tiwala't pagmamahal na walang kapalit
Nang dahil sa 'yo'y mabubuo ang pangarap ko
Ang lahat ng ito'y ginawa mo para sa akin
Saan man makarating ay dadalhin
Magtiwalang mapapasaakin
Ang pangarap ko ay ang pangarap mo
Iaalay sa 'yong s'yang unang nagbigay
Ng tiwala't pagmamahal na walang kapalit
Nang dahil sa 'yo'y mabubuo, dahil sa 'yo'y maaabot
Ngayo'y matutupad na ang lahat ng pangarap ko
Pangarap mo
Writer(s): Jonathan Manalo
Lyrics powered by www.musixmatch.com