album cover
Diskoberi
album cover
Diskoberi wurde am 6. März 2026 von AltG Records als Teil des Albums Diskoberi - Single veröffentlicht
Veröffentlicht6. März 2026
LabelAltG Records
BPM87
Melodizität
Akustizität
Valence
Tanzbarkeit
Energie

Songtexte

Ngayon alam ko nang
Hindi ako ang sumasalamin sa iyong mga mata
Hindi alam kung handa na bang
Pakawalan ang lahat ng ating mga pinagsamahan
Nakikita na sa iyong galaw na wala ka ng pag-ibig
Sa likod ng iyong ngiti
Ay puso mong di na sakin
Ang isip mo'y naglalakbay
At ang damdamin ay bumibigay
Ang akala kong sa akin ay hindi na ngayon
Alam ko nang hindi ako ang nararapat sayo
Kahit ngayong nandiyan ka pa
Alam ko na, na naghihintay nalang
Ng pagkakataong makalaya na
Alam ko na, na walang magagawa
Sa'ting mga huling sandali, masakit isipin na
Sa likod ng iyong ngiti
Ay puso mong di na sakin
At ako'y di maharap
Sapagkat ika'y naghahanap
Na ng iba na muling magpapa-ibig sayo
Alam ko nang hindi ako ang nararapat sayo
Maghihintay pa ba
Ipaglalaban pa ba
Sa likod ng iyong ngiti
Ay puso mong noo'y sakin
Ngunit ngayon
Alam ko nang 'di na'ko ang minamahal mo
Written by: Shaquille Dumpit

Loading...