Songtexte

Dati-rati, laman ng puso mo ay ang pangalan ko Lagi ako sa isip mo Dati-rati, inaawitan pa, labi ay may ngiti Mga mata'y nagniningning Nguni't ngayon, nagbago ka Nasa'n na ang init ng pagsinta? Pangako mo'y hindi magwawakas 'Di ba't noon, samyo ng bulaklak At ihip ng hangin ay kapansin-pansin? 'Di ba't noon, takbo ng oras ay 'di mo napapansin Laging naglalambing Nguni't ngayon, naglaho na Sigla't tamis ng iyong pagsinta Pagmamahal ko ba'y kailangan pa? Dati-rati, mga pangako ko'y kandungan mo't lakas Sa pagsubok ay kay tatag 'Di ba't noon sa kaibigan mo'y ako'ng bukambibig? Bakit ngayo'y ano'ng lamig? 'Di mo alam, ako'y nasasaktan Sa 'di pagpansin sa aking pagmamahal Lumapit ka't ako'y naghihintay Naghihintay, oh Ako'y nasasaktan Sa 'di pagpansin sa aking pagmamahal Lumapit ka't ako'y naghihintay 'Di mo alam, ako'y nasasaktan Sa 'di pagpansin sa aking pagmamahal Lumapit ka't ako'y naghihintay Panginoon, ako'y nabulag ng mandarayang mundo Ako ay patawarin Mo Mula ngayon, ang buhay kong ito'y iaalay sa Iyo Gamitin Mo ako gaya ng dati Gaya ng dati Gaya ng dati
Writer(s): Al Termulo Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out