Musikvideo

WALANG NATIRA by Gloc-9 feat. Sheng Belmonte (Official Music Video) HD
Schau dir das Musikvideo zu {trackName} von {artistName} an

Vorgestellt in

Credits

PERFORMING ARTISTS
Gloc-9
Gloc-9
Performer
Sheng Belmonte
Sheng Belmonte
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Aristotle Pollisco
Aristotle Pollisco
Composer
Jonathan Ong
Jonathan Ong
Arranger
PRODUCTION & ENGINEERING
Jonathan Ong
Jonathan Ong
Producer

Songtexte

Napakaraming guro dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira? Napakaraming nurse dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira? Nag-a-abroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nag-a-abroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nag-a-abroad sila Lupa kong sinilangan, ang pangalan ay Pinas Ngunit bakit parang puno na ang prutas ay pitas? Nauungusan ng batas, parang inamag na bigas Lumalakas na ang ulan, ngunit ang payong ay butas Tumatakbo nang madulas, mga pinuno ay ungas Sila lang ang nakikinabang, pero tayo ang utas Mga kabayan natin ay lumilipad, lumalabas Para pumunta ng ibang bansa at doon magtanas Ng kamay para lamang magkakalyo lang muli Ang pahinga'y iipunin para magamit pag-uwi Dahil doon sa atin, mahirap makuha ang buri Mabahiran ng tsokolate ang matamis na ngiti Ng anak na halos 'di nakilala ang ama O ina na wala sa t'wing kaarawan nila Darating kaya ang araw na ito'y mag-iiba? Kung hindi ka sigurado, mag-isip-isip ka na Napakaraming inhinyero dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira? Napakaraming karpintero dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira? Nag-a-abroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nag-a-abroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nag-a-abroad sila Mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan Ng kapalaran ng lahat ng nakipagsapalaran Kahit nag-aalangan para lang sa kapakanan Ng mahal sa buhay, ang sugal ay tatayaan Isasanla ang lahat ng kanilang mga pag-aari "Mababawi rin naman", 'yan ang sabi 'pag nayari Ang proseso ng papeles para makasakay na Sa eroplano o barko kahit saan man papunta Basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso Ang isa ay katumbas ng isang dakot na mamiso Ganyan ba ang kapalit ng buhay ng Pilipino? Lilisanin ang pamilya ang amo na kahit na sino? Gugutumin, sasaktan, malalagay sa peligro Uuwing nasa kahon, ni wala man lang testigo Darating kaya ang araw na ito'y mag-iiba? Kung hindi ka sigurado, mag-isip-isip ka na Napakaraming kasambahay dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira? Napakaraming labandera dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira? Nag-a-abroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nag-a-abroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nag-a-abroad sila Subukan mong isipin kung gaano kabigat Ang buhat ng maleta, halos hindi mo na maangat Ihahabilin ang anak, para 'to sa kanila Lalayo upang mag-alaga ng anak ng iba Matapos lamang sa kolehiyo, matutubos din ang relo Bilhin mo na kung ano'ng gustong laruan ni Angelo Matagal pa'ng kontrata ko, titiisin ko muna 'to Basta ang mahalaga, ito'y para sa pamilya ko Napakaraming guro dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira? Napakaraming nurse dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira? Nag-a-abroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nag-a-abroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Napakaraming tama dito sa atin Ngunit bakit tila walang natira?
Writer(s): Aristotle Pollisco Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out