Στίχοι

Mga pinaghirapan alam kong may kapalit Pagtapos ng misyon ko, hindi na 'ko babalik Buhay ay sulitin na Mga pinaghirapan alam kong may kapalit Pagtapos ng misyon ko, hindi na 'ko babalik Mga pinaghirapan alam kong may kapalit Pagtapos ng misyon ko, hindi na 'ko babalik Buhay ay sulitin na Alam niyo, wala naman tayong choice, eh Kun'di gampanan 'yong pagkabuhay na 'to Binagsak tayo dito ng wala tayong alam Kung kailan tayo lilisan, wala din tayong alam Isang beses lang may mabubuhay na kagaya ko Wala kang makikita na kasing ligaya ko Sabi ng tropa ko, buti daw kinaya ko Magbago kahit na walang supporta na natatamo Alam mo, ang sarap-sarap mabuhay Mundong madilim ikaw lang din ang siyang kukulay Lahat ng pangyayari ay sa 'yo nakasalalay Gabay ang itaas, ngunit ikaw ang siyang patunay Na kaya mo maglakbay ng mag-isa Na kaya mo sumulong kahit na bigat dala Anong maitutulong sa 'yo ng pag-alala Kung hindi ka rin kikilos ay walang mapapala Kagaya mo ako ay dalang-dala na Hirap magtiwala kaso, eh, ano pa nga ba Kailangan mong umasa kahit na walang pag-asa Ganiyan lamang ang buhay umiikot lang sa tsansa Natural lesson natin na magkamali Mga supresa ng mundo minsan ay mahapdi Kanino uuwi kapag ayaw mong umuwi Kapag gusto mong magtimpi, kapag gusto mong ngumiti Kanino pa nga ba? Eh di, sa Kaniya Do'n sa itaas Sa may likha ng araw at buwan At mga bituin Mga pinaghirapan alam kong may kapalit Pagtapos ng misyon ko, hindi na 'ko babalik Buhay ay sulitin na Mga pinaghirapan alam kong may kapalit Pagtapos ng misyon ko, hindi na 'ko babalik Mga pinaghirapan alam kong may kapalit Pagtapos ng misyon ko, hindi na 'ko babalik Buhay ay sulitin na Ah, buhay ay sulitin na Buhay ay sulitin na Aminado, minsan nagkasungay ang kagaya ko Pasensiya na kung isa ka sa nasugatan ko Ipagpatawad mo, panahong litong-lito 'Di ko tinatanggi pero hindi ko 'yon gusto Alam mo bang 'dami 'kong pinagbayaran? Mga kasalanan na nagdulot na nang aral Kaya ngayon hinding-hindi ko hahayaan Na mapabayaan pa ang buhay ko masayang Awang-awa na 'ko sa aking sarili 'Di ko lang maamin sa mundo, 'di ko masabi Nangangapa sa mga suliranin Tiyaga-tiyaga lang, balang araw papalarin Hindi ko hawak ang pag-ikot ng mundo Alam kong hindi lahat ng gusto ko masusunod Alam kong hindi lahat masasagot ng pagluhod Alam kong hindi lagi sa palad ko may aabot Kaya pinilit ko mabago ang sarili Aking kinilusan mga datingn imposible Napatunayan ko lahat pala posible 'Pag nakuntento ka ang buhay sobrang simple Ah, buhay ay sulitin na Buhay ay sulitin na Mga pinaghirapan alam kong may kapalit Pagtapos ng misyon ko, hindi na 'ko babalik Buhay ay sulitin na Mga pinaghirapan alam kong may kapalit Pagtapos ng misyon ko, hindi na 'ko babalik Mga pinaghirapan alam kong may kapalit Pagtapos ng misyon ko, hindi na 'ko babalik Buhay ay sulitin na
Writer(s): Genesis Lago Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out