Στίχοι

Huling bigkas ng iyong mga sinabi Ang sabi mo, ayaw mo na at tama na Wala akong magagawa kundi lumuha At tanggapin ang lahat ng katotohanan na wala ka na Isisigaw ko na lang sa langit Iiiyak ko na lang sa tanawin At pagkabilang kong tatlo Kakalimutan na kita Kailangan ko nang tanggapin ang lahat Na wala nang ikaw at ako na namamagitan Isang alaala na lang ba ang nakaraan? Na dating kay saya, ngayon ay kay lungkot na nag-iisa Isisigaw ko na lang sa langit Iiiyak ko na lang sa tanawin At pagkabilang kong tatlo, whoa Kakalimutan na kita Pipilitin kong kayanin kahit sobrang sakit Kung ito na ang huling yugto Oras na rin para ba ihinto? Kakalimutan na kita Salamat nga pala sa lahat ng iyong ginawa
Writer(s): Mark Jay Nievas Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out