Music Video
Music Video
Credits
PERFORMING ARTISTS
REN
Performer
COMPOSITION & LYRICS
REN
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
CTBeats PH
Producer
Lyrics
Lubak malamang, Tagilid na naman
Patungo sa liko pababa sa bundok
Bakilid na daan
Ano man ang dahilan, wag bibitaw kilala tayo na
May dugong palaban,
Sulitin ang araw lahat may paraan
Basta manalangin lang
Darating din, malamang hindi pa oras
Laging positibo , wag sa negatibo
Patuloy kalang sa Buhay
Mag focus kalang sa hamon
Kasama mo mga tunay na naka ngite
sige bumangon uli kasi hindi pa huli
Basta't alam mo lang ang daan pauwi
Bumiyahe ka lang papalayo
Hanggang marating mo anghangarin hindi
Mo kailangan bumalik sa mundo mong masikip
Umabante lang lagi higpitan mo ang iyong kapit sige sumama ka lang
Hindi na para pa mapagod , kung meron ka ng binubuhay
Binabagtas ang abo na daan hanggang makarating sa mundo na makulay
Akoy na buhay sa mga aral, at leksyong kinasangkapan
Para lamang mabuo ko ang buhay nato , pinanalo ko mga laban
Binalewala mga nag duda
mga bumitaw ng diko nalalaman
pero ok lang may lumitaw na bago
mga kaibigang diko inasahan
Sa lugar kong saan ako napako, muling nabago
kaisipang tinuwid maling tinahak
minsan na nga kong , isip nalason
Panhik panaog muling tinapak
Sa halamanan ang mga paa ko
walang kahit na anong katanungan
basta akoy, naglalakbay sa mundong madali ang kasagutan
Mga tugon sa mga gawa kong, kami lang dalawa nakaka alam
palaging gutom kainin ang takot
panlaban sa sikmurang kumakalam
mag focus ka lang, ang daming naka bantay
mga matang di mapalagay pag dika nila nakitang sumablay
sige maghintay! habang ako ay!
Sa Tamang direksyon na tinatangay
Papaangat na kasama ang bilog
at masaya kami na naglalakbay
Mag focus kalang sa hamon
Kasama mo mga tunay na naka ngite
sige bumangon uli kasi hindi pa huli
Basta't alam mo lang ang daan pauwi
Bumiyahe ka lang papalayo
Hanggang marating mo ang hangarin hindi
Mo kailangan bumalik sa mundo mong masikip
Umabante lang lagi higpitan mo ang iyong kapit sige sumama ka lang
Sumama kalang sa byahe at tayo ay maglalakbay
tiisin lang ang init! Halika kumapit sa akin oh!
Wag ng isipin pa halika sumama na
Abante lang tayo, hanggang sa malayo
Hanggang marating ang tagumpay
Mag focus kalang sa hamon
Kasama mo mga tunay na naka ngite
sige bumangon uli kasi hindi pa huli
Basta't alam mo lang ang daan pauwi
Bumiyahe ka lang papalayo
Hanggang marating mo ang hangarin hindi
Mo kailangan bumalik sa mundo mong masikip
Umabante lang lagi higpitan mo ang iyong kapit sige sumama ka lang
Written by: REN


