Music Video

Featured In

Listen to La Lluvia (feat. PLAN B & Sur Henyo) - Single by REN
ALBUMLa Lluvia (feat. PLAN B & Sur Henyo) - SingleREN

Credits

PERFORMING ARTISTS
REN
REN
Performer
PLAN B
PLAN B
Performer
Sur Henyo
Sur Henyo
Performer
COMPOSITION & LYRICS
REN
REN
Composer
PLAN B
PLAN B
Composer
Sur Henyo
Sur Henyo
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
CTBeats PH
CTBeats PH
Producer

Lyrics

Sa lakas ng alon, ang baon mo lagi Ay panalanging makaahon sa hamon ng buhay May angking taglay kang tinatago sa pagiging tao Ano man ang mga ginawa mo Sumasalamin, tatanawin din 'yan ng iba, 'di malabo Dito sa mundo na puno ng mga mata Oo, kakaiba kasi nga puro puna Pero 'wag kang papadala sa mga negatibo Suklian pa rin ng matamis na ngiti mo Oo, mismo, 'yan lang ibalik mo Mula nang makita ko Ang isang liwanag na mula sa kalangitan Nahawi ang mga ulap Tumigil ang malakas na pagbuhos ng ulan Ngayong nakita ko ang anghel na 'to Nagmula sa kalangitan (kalangitan) Binigay ng mga ulap ang pag-asang Matatapos din ang buhos ng ulan (ng ulan) Kala ko nga nu'ng una ay natapos na Dahil sa lakas ng bagyo na dumaan (dumadaan) 'Yun pala lang ang simula ng pahina Kung bakit ako ay iyong nilalang Sa maputik na daan ay mahirap iangat Ni isang paa sa paglakad, pagsipagan mo Ang sa kada paabante mong hakbang Natapos ang isang mahirap na hangin at buhos ng ulan Minsan ang sagot sa maikli mo na tanong Na pa'no kakayanin, madali ba kung ituloy 'Di mo ba naisip na dapat ay sa minsan, manahimik ka 'Di na kailangan malaman nila ang mga plano mo na inihanda 'Wag mong palipasin ang apoy na s'yang liwanag sa dilim At pampabaga ng paligid kung ika'y lalamigin Kung para kang nakukulangan ng lakas ng loob Ang bakas sa noon mo'y tagumpay na buo Malamang ay 'di ka na din magising sa tuwa Sapagkat sinasarili mo ang 'yung mga dinadaing Sa tuwing iyong nadarama Ay para ding patalim na sa 'yo inamba 'Wag na wag ka diyang mag-alinlangan Sapagkat 'yang unos ay tatawid lamang Upang malinisan ang daan mong lalakaran Araw na magsasabi sa iyo na ngiti lang Papalamon ba sa takot? Ang sagot diyan, "'Di rin" Dating purgatoryo naging Garden of Eden 'Di man aminin, 'lika silipin Ramdam mo na ba sa lungkot 'di ka alipin? Kung pinapadapa, sinasalanta Kinawawa ng dinadarama Ngayon, alam mo nang ito ay 'di na drama pa Sikat ng araw, dama mong niyayakap ka Mula nang makita ko Ang isang liwanag na mula sa kalangitan Nahawi ang mga ulap Tumigil ang malakas na pagbuhos ng ulan Ngayong nakita ko ang anghel na 'to Nagmula sa kalangitan (kalangitan) Binigay ng mga ulap ang pag-asang Matatapos din ang buhos ng ulan (ng ulan) Kala ko nga nu'ng una ay natapos na Dahil sa lakas ng bagyo na dumaan (dumadaan) 'Yun pala lang ang simula ng pahina Kung bakit ako ay iyong nilalang Madalas ay madilim At laging ang langit ay makulimlim, hey Ang liwanag ay hirap mahagilap Sa tuwing may ulan na paparating Ang tangi kong nais ay dumating din Ang panibagong araw na kayang masipat At tuluyan nang sumikat Sa ngayon ay aabangan muna Ang pagtila 'tsaka paghupa Hahayaan na lang kusang sumabay Sa pagpatak ang luha Mabilis din lang umalis Kahit na paulit-ulit dumating ay 'di na bale Dahil ganito lang ibigay ng ulap Pakiusap ko sa langit Gusto ko lamang naman na malaman mo Kahit sa ulan pa o mga bagyo ang dumating sa 'yo Higpitan ang hawak mo Kahit na napapadalas ang mga negatibo Suklian pa rin ng matamis na ngiti mo Oo, mismo, 'yun lang ibalik mo Ngayon ay nalaman ko kung bakit ako ay pinanganak Kaso nga lang ang daming rason sa mundo Bukod sa mga biyayang hiniling Mangyayari pa rin mga bagay kahit 'di mo 'to ginusto Bukod sa papel na mundo Kaya ka ring palutangin ng itim na tukso Dadalhin ka sa pinakamataas hanggang sa 'di makatakas Hanggang tuluyan kang 'di makalukso Ngayon ay nalaman ko dahil 'yan sa ngalan mo Na bukod tangi na kakaiba Pamula ng ginawaran mo 'ko ng talentong para sa 'kin Kaya nga po ito iningatan ko Dati, hindi nakinig Pero ngayon ay nagtiwalang muli Mula nang makita ko Ang isang liwanag na mula sa kalangitan (kalangitan) Nahawi ang mga ulap Tumigil ang malakas na pagbuhos ng ulan (whoa, oh, oh) Ngayong nakita ko ang anghel na 'to Nagmula sa kalangitan (kalangitan) Binigay ng mga ulap ang pag-asang Matatapos din ang buhos ng ulan (ng ulan) Kala ko nga nu'ng una ay natapos na Dahil sa lakas ng bagyo na dumaan (dumadaan) 'Yun pala lang ang simula ng pahina Kung bakit ako ay iyong nilalang (yeah) Ngayong nakita ko ang anghel na 'to Nagmula sa kalangitan (kalangitan) Binigay ng mga ulap ang pag-asang Matatapos din ang buhos ng ulan (ng ulan) Kala ko nga nu'ng una ay natapos na Dahil sa lakas ng bagyo na dumaan (dumadaan) 'Yun pala lang ang simula ng pahina Kung bakit ako ay iyong nilalang (yeah, yeah)
Writer(s): Kier Of Plan B, Ren, Skyruz Of Plan B, Sur Henyo Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out