Créditos
PERFORMING ARTISTS
Top Suzara
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Top Suzara
Songwriter
Letras
[Verse 1]
Gusto 'kong magpaliwanag sa'yo
Ngunit 'di kinakausap
'Di inaasahang diringgin mo
Nakatingala sa ulap
[Verse 2]
Alam 'kong nasaktan na naman kita
Ngunit 'di ko naman sinasadya
Hinding, hindi na mauulit, sinta
Sana'y maniwala ka
[Chorus]
Sabihin mo na
Kung anong gusto mo
Kahit ano'y gagawin
Para lamang sa'yo
Sabihin mo na
Kung papaano mo mapapatawad
[Verse 3]
Ilang araw mo ng 'di pinapansin
Ilang araw pang lilipas
Nakatanga sa harapan ng salamin
Naghihintay ng bawat bukas
[Verse 4]
Lahat naman tayo'y nagkakamali
Sinong 'di nagsasala?
Ngunit kung paano babawi sa pagkakamali
'Yan ang mahalaga
[Chorus]
Sabihin mo na
Kung anong gusto mo
Kahit ano'y gagawin
Para lamang sa'yo
Sabihin mo na
Kung papaano mo mapapatawad
[Bridge]
Patawarin mo sana, sinta
'Di ko sinasadya
[Chorus]
Sabihin mo na
Kung anong gusto mo
Kahit ano'y gagawin
Para lamang sa'yo
Sabihin mo na
Kung papaano mo mapapatawad
[Outro]
Sabihin mo na, sinta
Kung papaano mo mapapatawad
Ooh, ooh, woah
Written by: Top Suzara

