album cover
Langit
album cover
00:00
00:10
00:30
01:45
02:10
02:15
02:40
00:00
03:10
Últimos 7 días
Langit se descubrió con más frecuencia alrededor de los 10 segundos la canción durante la semana pasada

Letras

Kung ang langit ay malapit lang
Maaari bang mabisita ka?
Imahe mo'y unti-unting nabubura
Ayoko na tuluyang malimutan ka
Kung ang langit ay malapit lang
Dadalhan ng paboritong bulaklak
Sapagkat ngiti mo ay limot kona
Sana ay muli pang masilayan ka
Kung ang langit ay malapit lang
Gusto sanang marinig ang boses mo
Sabay nating awitin ang paborito mo
'Di magsasawa na ulit-ulitin 'to
Kung ang langit ay malapit lang
Dadalhan ka ng mainit na kape
Katulad ng dati nating ginagawa
Nagkukuwentuhan lang hanggang sa mag gabi
Kung ang langit ay malapit lang
Manonood tayo ng pelikula
Iiyak, tatawa, at malulungkot
Kahit anong drama, ako'y kasama mo
Kung ang langit ay malapit lang
Araw-araw kang pupuntahan
Mahigpit na yakap ang sasalubong sa iyo
Kukuwentuhan kita ng buhay sa mundo
Written by: Alejandro Perez Sucgang
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...