Letra

Narito ako umiibig Laging tulala at ligalig Heto na naman at halos 'di mapakali Sa damdamin na pinakamimithi Narito ako na lagi na'ng nakatingin Sa mga ulap at bituin Narito ako umaawit Ng mga kundimang kay tamis Napakataas lumilipad itong isip Kalayaan ko laging inaawit Narito ako na lagi na'ng nakatingin Sa mga ulap at bituin Puso't isip ko ay iisa ang hiwatig Narito akong umiibig May kutob na akong pumipintig Heto na sa wakas ang pag-ibig Narito ako na lagi na'ng nakatingin Sa mga ulap at bituin Puso't isip ko ay iisa ang hiwatig Narito akong umiibig
Writer(s): Pedera Nonong Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out