Letra

Lapit, mga kaibigan at makinig kayo Ako'y may dala-dalang balita galing sa bayan ko Nais kong ipamahagi ang mga kwento At mga pangyayaring nagaganap sa lupang ipinangako Ang lupang pinanggalingan ko'y may bahid ng dugo May mga lorong 'di makalipad, nasa hawlang ginto May mga punong walang dahon, mga pusong 'di makakibo Sa mga pangyayaring nagaganap sa lupang ipinangako Mula nang makita ko ang lupang ito Nakita ko rin ko rin ang munting apoy sa puso ng tao Ginatungan ng mga kabulukan hanggang sa lumago Ngayon, ang puso'y may takot sa lupang 'pinangako Lapit, mga kaibigan at makinig kayo Ako'y may dala-dalang balita galing sa bayan ko Nais kong ipamahagi ang mga kwento At mga pangyayaring nagaganap sa lupang ipinangako Dati-rati, ang mga bukid ay kulay ginto Dati-rati, ang mga ibon, singlaya ng tao Dati-rati ay katahimikan ang musikang nagpapatulog Sa mga batang walang muwang sa mundo Ngayon, ang lupang ipinangako ay nagsusumamo Patakan n'yo ng luha ang apoy sa kanyang puso Dinggin n'yo ang mga sigaw ng mga puso ng taong Kung inyong dadamhing kabilang sa inyo Duol, mga kaigsuunan, ug paminaw kamo Duna ko'y dala nga mga balita gikan sa banwa ko Gusto ko nga ipahibalo ang mga istorya Nga nagagahitabo sa banwa gisa na 'to
Writer(s): Cesar Banares, Cesar Banares Jr. Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out