Créditos
ARTISTAS INTÉRPRETES
Guddhist Gunatita
Intérprete
COMPOSICIÓN Y LETRA
Genesis Lago
Autoría
Letra
Vicious SNDY
Mga pinaghirapan alam kong may kapalit
Pagtapos ng misyon ko, hindi na 'ko babalik
Buhay ay sulitin na
Mga pinaghirapan alam kong may kapalit
Pagtapos ng misyon ko, hindi na 'ko babalik
Mga pinaghirapan alam kong may kapalit
Pagtapos ng misyon ko, hindi na 'ko babalik
Buhay ay sulitin na
Alam niyo, wala naman na tayong choice, eh
Kundi gampanan 'yong pagkabuhay na 'to
Binagsak tayo dito nang wala tayong alam
Kung kailan tayo lilisan, wala din tayong alam
Isang beses lang may mabubuhay na kagaya ko
Wala kang makikita na kasingligaya ko
Sabi ng tropa ko, buti daw kinaya ko magbago
Kahit na walang suporta na natatamo
Alam mo, ang sarap-sarap mabuhay
Mundong madilim, ikaw lang din ang siyang kukulay
Lahat ng pangyayari ay sa 'yo nakasalalay
Gabay ang itaas, ngunit ikaw ang siyang patunay
Na kaya mo maglakbay nang mag-isa
Na kaya mo sumulong kahit na bigat dala
Ano'ng maitutulong sa 'yo ng pag-alala?
Kung hindi ka rin kikilos ay walang mapapala
Kagaya mo, ako ay dalang-dala na
Ang hirap magtiwala kaso, eh, ano pa nga ba?
Kailangan mong umasa kahit na walang pag-asa
Ganiyan lamang ang buhay, umiikot lang sa tsansa
Naturalesa natin na magkamali
Mga surpresa ng mundo minsan ay mahapdi
Kanino uuwi kapag ayaw mong umuwi
Kapag gusto mong magtimpi, kapag gusto mong ngumiti?
Kanino pa nga ba? Eh 'di, sa Kaniya, do'n sa itaas
Sa Maylikha ng araw at buwan at mga bituin
Mga pinaghirapan alam kong may kapalit
Pagtapos ng misyon ko, hindi na 'ko babalik
Buhay ay sulitin na
Mga pinaghirapan alam kong may kapalit
Pagtapos ng misyon ko, hindi na 'ko babalik
Mga pinaghirapan alam kong may kapalit
Pagtapos ng misyon ko, hindi na 'ko babalik
Buhay ay sulitin na
Ah, buhay ay sulitin na
Buhay ay sulitin na
Aminado, minsan nagkasungay ang kagaya ko
Pasensiya na kung isa ka sa nasugatan ko
Ipagpatawad mo, panahong litong-lito
'Di ko tinatanggi pero hindi ko 'yon gusto
Alam mo bang dami 'kong pinagbayaran?
Mga kasalanan na nagdulot na ng aral
Kaya ngayon, hinding-hindi ko hahayaan
Na mapabayaan pa ang buhay ko, masayang
Awang-awa na 'ko sa aking sarili
'Di ko lang maamin sa mundo, 'di ko masabi
Nangangapa sa mga suliranin
Tiyaga-tiyaga lang, balang-araw papalarin
Hindi ko hawak ang pag-ikot ng mundo
Alam kong hindi lahat ng gusto ko masusunod
Alam kong hindi lahat masasagot ng pagluhod
Alam kong hindi lagi sa palad ko may aabot
Kaya pinilit kong mabago ang sarili
Aking kinilusan mga dating imposible
Napatunayan ko, lahat pala posible
'Pag nakuntento ka, ang buhay sobrang simple
Ah, buhay ay sulitin na
Buhay ay sulitin na
Mga pinaghirapan alam kong may kapalit
Pagtapos ng misyon ko, hindi na 'ko babalik
Buhay ay sulitin na
Mga pinaghirapan alam kong may kapalit
Pagtapos ng misyon ko, hindi na 'ko babalik
Mga pinaghirapan alam kong may kapalit
Pagtapos ng misyon ko, hindi na 'ko babalik
Buhay ay sulitin na
Written by: Genesis Lago

