Créditos
ARTISTAS INTÉRPRETES
December Avenue
Intérprete
COMPOSICIÓN Y LETRA
Muriel Danao
Autoría
Ronzel Bautista
Autoría
Letra
[Verse 1]
Bakit 'di na lang sabihin
Lahat ng hindi mo maamin?
Hindi na maitago ng 'yong mga mata
Meron na bang iba?
[Verse 2]
'Di ko magawang sabihin
Ano na bang nangyari sa'tin?
Tila nagbago ang 'yong nadarama
Parang ayaw mo na
[Chorus]
Kahit gulong, gulo ang isip ko
Ikaw pa rin ang hanap at ipipilit ko
Hiling ko lang sa langit, sana ika'y kumapit
Sa'king mga kamay at 'wag na 'wag mong bibitawan
Handa ka bang ako'y bitawan, hmm?
[Verse 3]
Bakit kailangan pang ilihim
'Di na kailangan pa
Kung hindi ka na para sa'kin?
Nais ko lang naman magtapat ka, hmm
Meron na bang iba?
[Verse 4]
Ano pa bang dapat ilihim?
Wala nang iba
Siguro nga'y 'di para sa'tin
Kung tadhana ang magpapasya
Sana nga'y tayo nang dalawa
[Chorus]
Kahit gulong, gulo ang isip ko
Ikaw pa rin ang hanap at ipipilit ko
Hiling ko lang sa langit, sana ika'y kumapit
Sa'king mga kamay at 'wag na 'wag mong bibitawan
[Bridge]
Ang lahat ng ito'y masasayang (Oooh, ooh)
Kung hindi pagbigyan ang nararamdaman
Ay paano na lang tayo
Oooh, oooh
[Chorus]
Kahit gulong, gulo ang isip ko
Ikaw pa rin ang hanap at ipipilit ko
Hiling ko lang sa langit, sana ika'y kumapit
Sa'king mga kamay at 'wag na 'wag mong bibitawan
[Chorus]
Kahit gulong, gulo ang isip ko
Ikaw pa rin ang hanap at ipipilit ko
Hinihiling sa langit, sana ika'y kumapit
Sa'king mga kamay at 'wag na 'wag mong bibitawan
[Outro]
Handa ka bang ako'y bitawan? (Hindi ka bibitawan)
Hinding, hindi ka bibitawan (Hindi ka bibitawan)
Handa ka bang ako'y bitawan, ooh?
Written by: Muriel Danao, Ronzel Bautista

