Créditos

ARTISTAS INTÉRPRETES
Jano Supremo
Jano Supremo
Intérprete
COMPOSICIÓN Y LETRA
John Lawrence Jazmin
John Lawrence Jazmin
Autoría

Letra

Nagsimulang magsulat ang edad desisais,
Sa beat lumapat, ang bayo ay pinanis,
May mga bumilib, pero may mga inis,
Kase walang BALAHIBO mga asong may GALIS,
RAP LANG NANG RAP yan ang payo ni Abaddon,
Kaya simula nun walang bara na patapon,
Dati WALANG TITULO ngayon ay nagkaRON,
BOX OUT, nag isip sa LABAS ng KAHON,
Lumipas ang panahon, abilidad mas tumibay,
Pangalan umugong, nagdala ng konting ingay,
Mga di sang ayon lalong nagsalubong ang kilay,
Inhinyero kaya pundasyon ko ay di mapipilay,
Pero teka lang, hoy, ilang bara pa ba?
Ang kelangang bitawan para kayo\'y mapanganga,
Pangangamba damang dama, kaya wag kang magtataka,
Kung bigla kang matangay ng musikang dala dala,
Ng makata na nagmula sa Bulan,
May taglay na pambihira kala mo ay mutant,
Kase di nga human, beat ang inuulam,
Pero chill lang palage parang na sa duyan,
Walang planong huminto, patuloy lang ang karera,
Kayang sumabay pa rin nito, kahit na anong tema,
Mananatiling supremo, bumago man ang sistema,
Ang Sagrado Familia, di mawawala sa eksena,
Di ako mauubusan ng ibubuga sa mic,
Pasok bawat bitaw parang Curry lang sa line,
Kaso minsan ay busy, nakafocus to sa grind,
Double meaning pagsinabing mata ko ay nasa sight (site)
Kase lagi tong handa kapag ginambala,
Makina nagtatransform kapag binangga na,
Mga dalang pasabog sagad di lang bala,
Maswerte ka pag ako\'y tinamad nah di pa ata,
Kase hindi to titigil hanggat may naniniwala,
Lalo lang nanggigigil, hawak ang mic na mahiwaga,
Ang beat kinikitil, entablado napipinsala,
Dakdak ko parang windmill ang humarang nagiging bata,
Tugmaan polido, di man ako ang paborito,
Pero pagnagsulat all in to, masasabi mong solido,
Di na kelangan magpabibo, Jano Supremo to iho,
Anong masasabi mo dito sa simple ko na intro,
Written by: John Lawrence Jazmin
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...