Paroles

Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe Matayog ang pangarap ng matandang bingi Umihip ang hangin, nawala sa paningin Sigaw ng kahapon, nilamon ng alon Malabo ang tunog ng kampanilya ni Padre Maingay ang taginting, rosaryo ng babae Nay, nay, nay, nay Nay, nay, nay, nay Nay, nay, nay, nay Nay- Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe Matayog ang pangarap ng matandang bingi Hinuli ang ibon, pinagsuot ng pantalon Tinali ng pisi, hindi na nagsinturon Dumaan ang jeepney at gumuhit pa sa kalye Mauling ang iniwan, hindi na tinabi Nay, nay, nay, nay Nay, nay, nay, nay Nay, nay, nay, nay Nay- Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe Matayog ang pangarap ng matandang bingi Pinilit umawit, ang naglaro'y isang ingit Lumuha ang langit at ang mundo ay nanliit Kumakaway sa bakod ang anghel na nakatanod Sumusuway sa utos, puso'y sinusunod Nay, nay, nay, nay Nay, nay, nay, nay Nay, nay, nay, nay Nay-
Writer(s): Nonoy Gallardo Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out