Paroles

Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay 'Di maiwasang gumawa ng 'di inaasahang bagay Laklak nang laklak ng beer magdamagan May kahirapan at 'di maiwasan Mabuti pa kayang matulog ka na lang At baka sumakit ang tiyan Ang araw ko'y nabubusisi, ako ang nasisisi, bakit ba sila ganyan? Ang pera ko ay 'di magkasya, hindi makapagsine at ayaw naman dagdagan Ubos na rin ang beer kaya kape na lang Lahat sinusubukan kahit walang pulutan Ang buhay ng tamad, walang hinaharap Ni konting sarap man lang Radyo, TV at mga lumang komiks Wala nang ibang mapaglibangan At kung mayro'n kang tatawagan 30 sentimos, ika'y makakaltasan, ah-ha... Umiindak ang paa sa kumpas ng tugtuging bago Hanggang kumpas ka na lang at 'di mo na alam ang tono Sa paghinto ng ulan, ano ang gagawin? Huwag nang isipin at walang babaguhin Mabuti pa kaya, matulog ka na lang Matulog na nang mahimbing Pumapatak na naman ang ulan Pumapatak na naman ang ulan Pumapatak na naman ang ulan
Writer(s): Javier Danny Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out