album cover
Breadwinner
Hip-Hop/Rap
Breadwinner est sorti le 17 août 2026 par Aikee dans le cadre de l'album Breadwinner - Single
album cover
Date de sortie17 août 2026
LabelAikee
Qualité mélodique
Acoustique
Valence
Dansabilité
Énergie
BPM82

Clip vidéo

Clip vidéo

Crédits

INTERPRÉTATION
Aikee
Aikee
Chant
COMPOSITION ET PAROLES
Michael Angelo Aplacador
Michael Angelo Aplacador
Paroles/Composition
J-Lhutz
J-Lhutz
Arrangement
PRODUCTION ET INGÉNIERIE
Aikee
Aikee
Production
J-Lhutz
J-Lhutz
Ingénierie de mastérisation, Ingénierie de mixage, Ingénierie de prise de son

Paroles

CHORUS:
Bawal magreklamo, kahit napapagod na
Bawal sumuko, kailangan ay kumayod pa
Bawal makita na nanghihina/
Kahit di na kaya ay kinakaya
Kahit masaktan,mahirapan, gagawa ng paraan para lang sa pamilya
1st Verse:
Kamusta? simpleng salita
Pero bibihirang marinig sa kanila
Siguro kala nga nila ay di ka nagigiba
Wala kasing nagbago, walang nagiiba
Walang nagtatanong kung okay ka lang ba
Dahil laging malakas ka sa paningin nila/
Hindi ka nila pwede na makitang malungkot
Kahit parang puputok o sasabog ang loob-
Dahil sa dami ng bitbit, mga karga at naka-atang sa balikat
Kung pwede lang/ yung ibang bigat sana malipat
Sobrang sakit kapag yung hirap ay di nasipat
Tanggap naman na ang panalong to’y may kaakibat
Na bigat at responsibilidad
Maagang nabilad, nagbanat ng buto, natututo sa murang edad
Biyayang matuturing ang gantong abilidad
Kahit mahirap ay handang yakapin tong realidad
CHORUS:
Bawal magreklamo, kahit napapagod na
Bawal sumuko, kailangan ay kumayod pa
Bawal makita na nanghihina/
Kahit di na kaya ay kinakaya
Kahit masaktan,mahirapan, gagawa ng paraan para lang sa pamilya
2nd Verse:
Pamasahe, pagkain, renta sa bahay
Kuryente-tubig, at mga gamot ni nanay at tatay
Sa baon ni bunso sa skwela laging nakaalalay
Maging sa kapatid na tambay ay nakaagapay
Nasanay ding magbayad ng hindi ko hiniram
At sa tuwing may kailangan ay don lang may paramdam
Kaso pag may di naibigay magagawa pang magdadam
Kung alam nyo lang handa akong gumapang wag lang kumalam
Ang tiyan matiyak ko lang na masaya kayo
Kahit may sakit man o bagyo ay papasok ako
Marami na kong laban na hindi pinaalam
Wag lang makitang ako’y tao lang, mahinang nilalang
Na napapagod, nasasaktan, kung minsan gumuguho
Nauubos, kinakapos, puso ay dumudugo
Walang nakakita ng mga luhang tumutulo
At kayo ang dahilan kung bakit hindi sumusuko
CHORUS:
Bawal magreklamo, kahit napapagod na
Bawal sumuko, kailangan ay kumayod pa
Bawal makita na nanghihina/
Kahit di na kaya ay kinakaya
Kahit masaktan,mahirapan, gagawa ng paraan para lang sa pamilya
Bawal magreklamo, kahit napapagod na
Bawal sumuko, kailangan ay kumayod pa
Bawal makita na nanghihina/
Kahit di na kaya ay kinakaya
Kahit masaktan,mahirapan, gagawa ng paraan para lang sa pamilya
Written by: Michael Angelo Aplacador
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...