क्रेडिट्स
PERFORMING ARTISTS
Quest
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Jose
Composer
गाने
Ito ang digmaang 'di ko uurungan
Patuloy ang laban, 'di ka papabayaan
Puso ang sandata, pag-ibig ang bala
Ikaw ang aking tagumpay
Hindi matitinag, hindi masisira
Hindi manghihina, hindi na titila
Ang pagbuhos ng aking pag-ibig
Ikaw ang aking tagumpay
Para sa mga sugatan, para sa mga luhaan
Sa mga hindi kuntento, may mapait na kuwento
Sa 'di alam ang daan, nawawala na naman
Huwag kang mawalan ng pag-asa, hindi kita lulubayan
Ika'y umasang ako palaging nand'yan
Kung ang akala mo ay nag-iisa ka
Nagkakamali ka, sasamahan kita
Alay ko ang aking buhay, magsisilbing patnubay
'Di ako naniniwalang sablay ka habang-buhay
Halika rito, huwag makinig kung kani-kanino
Harapin ang liwanag, talikuran ang anino
Ito ang digmaang 'di ko uurungan
Patuloy ang laban, 'di ka papabayaan
Puso ang sandata, pag-ibig ang bala
Ikaw ang aking tagumpay
Hindi matitinag, hindi masisira
Hindi manghihina, hindi na titila
Ang pagbuhos ng aking pag-ibig
Ikaw ang aking tagumpay
Kapit, huwag bibitaw, hindi ka na maliligaw
Kapag ang kahapon lumilitaw, pwede kang sumigaw (ah!)
Buntong-hininga, handa ka na ba?
Tatandaan, ang katapusan ay panibagong simula (sige lang)
'Yung dating talunan, ngayon ay isang kampeon
Saling-pusa noon, ngayon ay mabangis na leon
Nasa unahan na ngayon, dating nasa huli palagi
Nagsimula sa wala pero ngayon, labis mamahagi
Iniwanan sa putikan, ngayon ay tinitingala
Tinawag na sumpa, 'yon pala, s'ya'y isang himala
'Yan ang 'storya mo, pangako ko, huwag ka lang mawawalan ng pag-asa
Tandaan, ako'y palaging nand'yan
Ito ang digmaang 'di ko uurungan
Patuloy ang laban, 'di ka papabayaan
Puso ang sandata, pag-ibig ang bala
Ikaw ang aking tagumpay
Hindi matitinag, hindi masisira
Hindi manghihina, hindi na titila
Ang pagbuhos ng aking pag-ibig
Ikaw ang aking tagumpay
Hindi kita iiwan, oh, oh
Hindi kita iiwan
Hindi kita iiwan, oh, whoa, whoa
Hindi kita iiwan, oh, whoa
Hindi kita iiwan, oh, oh-ooh, oh, whoa
Hindi kita iiwan, oh
Hindi kita iiwan, hindi pababayaan
Hindi kita iiwan, hindi pababayaan, whoa-whoa (oh-whoa)
Ikaw ang aking tagumpay
Doo-roo-roo-roo-roo, doo-roo-roo
Doo-roo-roo-roo-roo-roo-roo-roo, doo, doo
Puso ang sandata, pag-ibig ang bala
Ikaw ang aking tagumpay
Written by: Jose, Jose Villanueva III