म्यूज़िक वीडियो

में प्रस्तुत

क्रेडिट्स

COMPOSITION & LYRICS
Ernesto Carlos Orduna
Ernesto Carlos Orduna
Songwriter

गाने

Magdamag kang tinitignan Para bang binibigyan ng kakaibang tama Kasabay ng 'yong tawa Pakiramdam, pinaulanan ng daan-daang biyaya Ganito ba ang langit? 'Di kailangang sagutin kung ano o bakit Lahat ng kayaman at pag-aari Nasa aking kamay, ikaw ang katabi Imahe na mapungay, nilagyan mo ng kulay Dito sa ating buhay, bilang lang ang tunay 'Pinaparamdam mo ay 'di nakakaumay Walang kasing saya, at walang maling taya 'Di hahayaang 'di mahanap ang sigurado sa bahala na At 'di namamalayan, pagpalit ng araw sa buwan 'Di maipaliwanag, basta ikaw lang ang nagpapagaan Tiyak na ligaya, tila ba ikaw ang nagparanas Pinakawalan ang nakatagong hiwagang wagas, oh Kung hindi pa natikman, ganitong tipong pakiramdam Parang kulang ang mga salita para maipaliwanag lang Kakaiba ang pinipinta, kulay na ngayon ko lamang nakikita Panandalian o matagalan, 'la 'kong pakialam Basta lamang ang napapadamang walang kapareha Ako'y namulat mo, mayro'n palang ganito Mas matimbang pa sa lahat ng ginto Mala-mahikang kaharian, ikaw ang pinto, hmm Walang kasing saya, heto'ng pinaka sa mga pinaka At walang maling taya, kahit sandali hindi magtataka 'Pinakilala ka yata ng mga tala O baka naman ikaw ay isa sa mga diwata ni Bathala Alam kong tama at tiwala 'Di gambala sa 'kin 'pag kasama ka At 'di namamalayan, pagpalit ng araw sa buwan 'Di maipaliwanag, basta ikaw lang ang nagpapagaan Tiyak na ligaya, tila ba ikaw ang nagparanas Pinakawalan ang nakatagong hiwagang wagas 'Di namamalayan, pagpalit ng araw sa buwan 'Di maipaliwanag, basta ikaw lang ang nagpapagaan Napakagaan ng pakiramdam Napakagaan 'pag kasama ka
Writer(s): Ernesto Carlos Orduna Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out