म्यूज़िक वीडियो
म्यूज़िक वीडियो
क्रेडिट्स
PERFORMING ARTISTS
VXON
Performer
Christian Brennen Saraos
Lead Vocals
Samuel Gerard Cafranca
Lead Vocals
Vince Enzo Dizon
Lead Vocals
Patrick June Jabines Rocamora
Lead Vocals
Franz Robin Chua Palapo
Lead Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Rob Angeles
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Migz Haleco
Producer
Jonathan Manalo
Producer
गाने
Ako na naman ang mag-isang lalakbay muli
Buhay ay gawa ng sarili, 'di sa iba isisisi
Mapagod ka man, sige, oks lang 'yan na magpahinga
Kung pitong beses ka na nadapa
Dapat walong beses ay ahon ka
Oh, oh-oh
Sa laki at luma ng mundo
'Di mo pansin saglit lang ang tao rito?
Tahan na 'yan, tara na't buksan ang 'yong puso
Ika'y tumingin sa ulap at damhin natin ang alapaap
Dalangin ng puso para sa ati'y mahiwaga
Oras at panaho'y lilipas at itong munting musika'y walang wagas
Dalangin ng buhay para sa ati'y mahiwaga
Oh, oh-oh
Tanong kung saan ba patungo?
Sa'n ba lalagay sa huli?
Masyado ka namang nagmamadali
Sulong lang ang yugto mo'y parating na rin
Oh, oh-oh
Kay bilis ng araw sa mundo (Sa mundo)
Paglipas ng taon, wala ka na rito (Rito)
Kaya gumawa ng bagay na 'di maglalaho ('Di maglalaho, woah)
Ika'y tumingin sa ulap at damhin natin ang alapaap
Dalangin ng puso para sa ati'y mahiwaga
Oras at panaho'y lilipas at (Lilipas at)
Itong munting musika'y walang wagas
Dalangin ng buhay para sa ati'y mahiwaga
Oh, oh-oh
Mahiwaga (Mahiwaga)
Oh, oh-oh (Oh, oh-oh)
Mahiwaga (Mahiwaga)
Ika'y tumingin sa ulap (Ooh) at damhin natin ang alapaap (Ang alapaap)
Dalangin ng puso para sa ati'y mahiwaga (Mahiwaga)
Oras at panaho'y lilipas at (Lilipas at)
Itong munting musika'y walang wagas (Oh)
Dalangin ng buhay para sa ati'y mahiwaga (Ooh)
Mahiwaga (Mahiwaga)
Mahiwaga (Mahiwaga)
Written by: Rob Angeles