Dari
PERFORMING ARTISTS
Mike Swift
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Jim Poblete
Composer
Michael Olave
Songwriter
Lirik
Kahapon na ngayon, bilis ng pahanon
Wala, nagkaroon, bago na'ng taon
Iba't iba ang uso, hapit na pantalon
'Pag Araw na ng Puso, ang pana ay baon
Hindi ako nag-aral, bawal ang sumuko
'Pag internet mabagal, nag-aalboroto
Bigla na lang uminit, tayo'y maglangoy
Gawa tayo ng bonfire, malaking apoy
Punta ka sa gubat, akyat sa bundok
Higupin mo ang ulap 'pag naabot mo'ng tuktok
Sa araw na ito, naloko din kita
Bakit ka nandito? Sino'ng nag-imbita?
Dami ng pagkaing nakahain sa mesa
Mas maingay pa kami sa perya sa piyesta
Grabe sa pagod, tara, magpahinga
At huwag makalimutang 'pasalamat sa Ama
Tapos na ang umaga, lumipas ang tanghali
Sa oras ng hapunan, dumungaw na ang buwan
Tapos na ang umaga, lumipas ang tanghali
Sa oras ng hapunan, dumungaw na ang buwan
Umpisa ng pasok, tapos ang bakasyon
Hanap kalayaan ang tanging ambisyon
Pasok ka sa bahay, iwas sa ambon
Pag-iyak ng ulap, may halong emosyon
Respeto ko sa 'yo at sa 'yong relihiyon
Dahil sa sakripisyo, nasa langit ka ngayon
Huwag mong pilitin kung ayaw sumabay
Ako ay buhay sa Araw ng Patay
Pakinggan mo ang musika, kalat mga tao
Tanging nasa isip kung magkano'ng pangregalo
Oras na isulat mo ang gustong pagbabago
Ipaglaban mong mangyari't pagtupad ng mga plano
Tapos na ang umaga, lumipas ang tanghali
Sa oras ng hapunan, dumungaw na ang buwan
Tapos na ang umaga, lumipas ang tanghali
Sa oras ng hapunan, dumungaw na ang buwan
Written by: Jim Poblete, Michael Olave