Lirik

Kaibigan, baka pwede ka munang makakuwentuhan? Nakikiramay ang paborito mong serbesas At nangangalawang kong gitara Ano'ng balita? Mukhang may 'di nakatulog kagabi Mga mensaheng nais mong iparating Inipon sa bote, mga dasal, saklolo't paumanhin Kuwentuhan muna tayo Kwentuhan muna Sa 'yong pag-alis Isalarawan ang iyong mundo Ano'ng natatanaw Mga tumatakbo sa isip mo Kuwentuhan muna tayo Kuwentuhan muna tayo Paulit-ulit sa mga payong ayaw mo nang madinig Pasensiya na't lagi kitang kinukulit At sa aking pagmumukha na sawang-sawa ka nang makita 'Wag kang magalit ('wag ka sanang magalit) Hindi naman kita pipigilan (hindi kita pipigilan) Gawin mo ang lahat ng gusto mong gawin Kuwentuhan tayo hanggang sa muli Sa 'yong pag-alis Isalarawan ang iyong mundo Ano'ng natatanaw Mga tumatakbo sa isip mo Kuwentuhan muna tayo Kuwentuhan muna tayo Ba't hindi ko nakita sa mga mata? Ayaw 'pahiwatig na nasasaktan ka na pala Hindi naman kami nagkulang na suyuin ka Sabi mo pa, "Ayos lang ako, wala namang problema" Paulit-ulit kinukulit Ayaw sagutin ang tawag, magkuwentuhan nang saglit Marami namang ibang paraan Pero piniling mamaalam nang ganyan (kuwentuhan muna tayo) Sa 'yong pag-alis Isalarawan ang iyong mundo Ano'ng natatanaw Mga tumatakbo sa isip mo Sa 'yong pag-alis ('wag ka sanang magagalit, 'wag ka munang aalis) Isalarawan ang iyong mundo (harapin mo ang sagot sa 'yong sakit) Ano'ng natatanaw ('wag ka sanang magagalit, 'wag ka munang aalis) Mga tumatakbo sa isip mo (harapin mo ang sagot sa 'yong sakit)
Writer(s): Joshua Nicholas P. Villena Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out