Dari
PERFORMING ARTISTS
Hiphop Uncles
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Jeralph Sanchez
Composer
Marcial Domingo Antonio
Songwriter
Frederico Miguel Claveria
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Rap Sanchez
Producer
Lirik
Chorus:
Iba na ang panahon noon at ang ngayon
Marami nang nagbago at isa na ako dun
Magdagdag man ang taon
Ay hindi nakakalimot
Sumasabay lang sa mundong paikot ikot
Verse 1 (Marcial):
Pasikot sikot daan, lakadan mo lang taas baba man iyan
Napakadami na nakasalamuha
Ano ga tol kumusta ga diyan?
Ang dami nang plano na naagrabyado
Pero okay lang naman
Walang sigurado kung ‘di pagbabago
Ang buhay ay sadiyang ganiyan
Malalampasan mo rin parangap mararating
Galing, diskarte at sipag at swerte
Lahat ay pwepwede at syempre dasal ka din
Sa mundong mapaglaro, wag ka yuyuko taas noo mo na hamakin
Kung una’y bigo, ‘wag kang hihinto ang ginto sadiyang mahirap hagilapin
Sabi ng ama ko sa ‘kin wag ka puro "ama namin"
Oo makinig ka sakin kailangan magtanim
Para kalaunan ay merong kang aanihin
Ang bisyo noon maya’t maya din
Ngayon hindi na tsong, kinaumayan rin
Maliit na kahon ay palawakin pagkakataon na palayain
Sarili sa nakaraan tuloy lang ang hakbang
Paa pauna ang marcha sa pagakyat mo ng hagdan
Masasaktan, pagsasarhan, ng pintuan, pero ayos lang
Kasalukuyan at kinabukasan lamang ang dapat pagmasdan
Chorus:
Iba na ang panahon noon at ang ngayon
Marami nang nagbago at isa na ako dun
Tumagal man ang taon
Ay hindi nakakalimot
Sumasabay lang sa mundong paikot ikot
Verse 2 (DWreck)
Ilang tao na naman ang nakilala kada hakbang
Di na mabilang mga naplano na oras 'di na nalaan
Salamat sa pagkakataon na kayo'y kasama non
Ala-alang di nalimot noon pa hanggang ngayon
Sarap balikan mga araw nagdaan
Kasama kahit saan lagi niyo na tandaan
Magkakalayo man ang dadaanan kahit saan
Ang kabataang pinagsamahan palaging andiyan
Oras maglalaho kahit di ka pa kumilos
At ang mga negatibo ay dapat na tong matapos
Positibo lang kahit may ibang naghihilahan
Tuloy lang ang ikot sa mundo mong may kamalayan
Wag na wag titigil mangarap abutin ang ulap
Basta sa lupa nakatapak wag makalimot sa mga natahak
Mga paa paharap ang lakad patuloy suungin ang dagat
Lumakas man ang alon ay wag na wag magpapaawat
Chorus:
Iba na ang panahon noon at ang ngayon
Marami nang nagbago at isa na ako dun
Magdagdag man ang taon
Ay hindi nakakalimot
Sumasabay lang sa mundong paikot ikot
Written by: Frederico Miguel Claveria, Jeralph Sanchez, Marcial Domingo Antonio