Lirik

Nalulunod sa pangangamba Puno na ang baga, pasuko ka na Sa'n ka kakapit kung malalim na? Ang sabi ay "Arte lang 'yan" (oh-oh-oh-oh) Nalulunod sa pangangamba 'Di mo alam kung may pangtustos pa Nagkaubusan na ng pangmedisina Ang sabi'y "Bahala ka na" Ang pagkakalunod ay nararanasan mo na ba? Sana'y makaahon ka 'pagkat kailangan ka nila Nalulunod sa pangangamba Mga parusang 'di humuhupa Sa'n ka kakapit kung malalim na? Ang sabi'y "Mababaw lang 'yan" Ang pagkakalunod ay nararanasan ng iba Sana'y makaahon ka 'pagkat kailangan ka nila, hmm Nalulunod sa pangangamba Dahan-dahan, ako'y lalangoy na Ooh, sisisirin hanggang makarating ka Sa ginhawang itinadhana Sa ginhawang itinadhana 'Di na muling malulunod pa
Writer(s): Miguel Benjamin G Guico, Paulo Benjamin G Guico Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out