Video Musik

Video Musik

Dari

PERFORMING ARTISTS
Blain
Blain
Performer
Jeremy Novela
Jeremy Novela
Performer
COMPOSITION & LYRICS
John Ace Zabarte
John Ace Zabarte
Songwriter

Lirik

Refrain:
Ang sarap lumingon sa nakaraan
Ang bigat din ng aking pinagdaanan
Ang hirap parang di malalagpasan
Buti nagawan lahat ng paraan
Hook:
Ang ganda na ng nangyayari
Tara na
Hindi ko sukat akalain
Nag iba
Nakaalis na sa ilalim
Umangat
Dahil hindi ko tinigilan hanggang makuha lahat
(Repeat hook)
1st Verse:
Kung ano mang meron ngayon pinaghirapan 'to
At hindi pa rito natatapos marami pang laban 'to
Kung nasan man ako ngayon halos ginapang ko
Hanggang marating din sa dulo dun tayo magtatagpo
Kung di man naisali no'n bawal magtampo
Bago 'ko pinasok ang tagal ding nagpainit ng bangko
Kung sino mang kasama ko ngayon, tiwala niyo ay iingatan ko
Solido ang ating bilog yan ang aking napag tanto
Bawat isa may obrang matindi yung pagkadale
Parang event ng Midas, TMP, Rekta Sa Kalye
Mga pangako sa sarile di puwedeng mabali
Buhay ko'y nakadisenyo grabe yung detalye
Hihubog 'to ng panahong tila pinagtampuhan ako ng suwerte
May pagsubok, sino bang hindi nagkaron nun, tol? Di yan permanente. Ugh!
Lulubog at aahon pag nahulog ay babangon din
Tuloy sa paghakbang ang layo na ng ating narating
Refrain:
Ang sarap lumingon sa nakaraan
Ang bigat din ng aking pinagdaanan
Ang hirap parang di malalagpasan
Buti nagawan lahat ng paraan
Hook:
Ang ganda na ng nangyayari
Tara na
Hindi ko sukat akalain
Nag iba
Nakaalis na sa ilalim
Umangat
Dahil hindi ko tinigilan hanggang makuha lahat
(Repeat hook)
2nd verse
Ang sarap marinig ng mga salitang
Ito'y pirmado, aprubado, may trabaho na 'ko, bagong sahod, di na abunado
Hustle di ko tinigalan, kusang palo, galingan mo lalo... tuparin ang mga plano
Ang umaayaw ay talo
Bagong bituwin isinilang galing sa wala 'to
Kumpirmado, pusta ko'y panalo, bigyan nga 'to ng balato.
At dahil di mo 'ko iniwan, ika'y imbitado, kumbidado lang yung mga day ones merong konting salo-salo.
Gustong magpasikat at magpakitang gilas
Nag sumikap maiukit mga linya't guhit sa'king balikat parang Adidas
Sumisipa kahit makabagong liga
Masisipag sa larong ito pili lang
Naisipang gawin ang nakahiligan
Sisige lang walang balak na tigilan
Di mo mapigilan
Ang hirap ay laging panandalian
Di ko na mabilang
Napulot kong aral sa kamalian
Di to madalian
Kalidad na gusto di pangkaraniwan
Ang ganda ng nangyayari sabay nating ipag diwang
Refrain:
Ang sarap lumingon sa nakaraan
Ang bigat din ng aking pinagdaanan
Ang hirap parang di malalagpasan
Buti nagawan lahat ng paraan
Hook:
Ang ganda na ng nangyayari
Tara na
Hindi ko sukat akalain
Nag iba
Nakaalis na sa ilalim
Umangat
Dahil hindi ko tinigilan hanggang makuha lahat
(Repeat hook)
Ibibigay sayo sa oras na handa ka na't karapatdapat na
Hindi sa panahong nangangapa ka pa
Ibibigay sayo sa oras na handa ka na't karapatdapat na
Hindi sa panahong nagkakalat ka pa
Ang ganda na ng nangyayari (4x) Ooooohhh
Written by: John Ace Zabarte
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...