Lirik

Nakatabing na naman ang iyong mga mata May pahaging pero parang ayaw mong pahalata Sinaktan ka na naman ba niya? Bakit 'di ka pa nadadala? Ang tulad mo ay tipong hindi basta binabalewala (Alamat, handa 'rap) Pero 'di niya batid ang kaniyang sinasayang Habang ako dito'y naghihintay lamang Gaya ng mga iilang tagahanga mong nasa gilid lang Pangako, 'di ako nahihibang, ikaw ang aking nag-iisang Maharani, maaari bang mapagbigyan? Kung sakali, pag-ibig mo ay makamtan Lakambini, ako na lang ang 'yong lakan Sumusumpa kay Bathala, ako ay 'di magsasawa Maharani, maaari bang mapagbigyan? Kung sakali, pag-ibig mo ay makamtan Lakambini, ako na lang ang 'yong lakan Sumusumpa kay Bathala, ako ay 'di magsasawa Maharani Nakatabing mga labing nais nang isigaw Kung sakaling papalarin ay maging ako't ikaw Subok lang baka naman, ito pala 'yung pangwalang-hanggan 'Pagkat tulad mo 'yung tipong kahit ano aking ilalaan Pero 'di niya batid ang kanyang sinasayang Habang ako dito'y naghihintay lamang Gaya ng mga iilang tagahanga mong nasa gilid lang Pangako, 'di ako nahihibang, ikaw ang aking nag-iisang Maharani, maaari bang mapagbigyan? Kung sakali, pag-ibig mo ay makamtan Lakambini, ako na lang ang 'yong lakan Sumusumpa kay Bathala, ako ay 'di magsasawa Maharani, maaari bang mapagbigyan? Kung sakali, pag-ibig mo ay makamtan Lakambini, ako na lang ang 'yong lakan Sumusumpa kay Bathala, ako ay 'di magsasawa Maharani Mala-prinsesa Sa 'king paningin ay nababalot ng ginintuang seda Ako'y nabibihag ng iyong mga ngiti Na para bang nakatanikala sa selda Pasensiya na, hindi naman na lihim (shh) Ikaw ang natatanging gusto ko na makapiling Ang bawat daan ko sa iyo na nakakiling Sana mabigyan ng pagkakataong ibigin (woo) Panahon ay nasasayang 'Pag pinaglalaban ang hindi ka naman kayang ipaglaban Kaya sa 'kin ka na nga lang Ipinapangako ko ang puso ko'y magiging sa 'yo lamang Sa dami ng katunggali, magpupunyagi Hanggang sa ako'y magwagi Ngunit kahit magapi ang pagtingin Dito pa rin maglalagi Maharani, maaari bang mapagbigyan? (Maharani, pagbigyan) Kung sakali, pag-ibig mo ay makamtan (pag-ibig mo ay makamtan) Lakambini, ako na lang ang 'yong lakan (hey, ooh, ooh) Sumusumpa kay Bathala, ako ay 'di magsasawa ('di magsasawa) Maharani, maaari bang mapagbigyan? Kung sakali, pag-ibig mo ay makamtan (kung sakali) Lakambini, ako na lang ang 'yong lakan Sumusumpa kay Bathala, ako ay 'di magsasawa (sumusumpa) Maharani
Writer(s): Thyro Alfaro Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out