Dari

PERFORMING ARTISTS
esa
esa
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Ashley Saludes
Ashley Saludes
Composer

Lirik

Tangina, di ko akalaing makikita ka
 Kakaiba talaga ang tadhana
 Masakit pa rin palang makita ang kislap 
 Ng iyong mga mata nang dahil sa iba
 Pasensya na, di ko mapigilan ang titigan ka
 Kakaiba, di ko halos kilala
 Masakit pa rin palang malaman
 Na hindi ako kasing saya pero pwede na
 Wag na lang isipin na ikaw pa rin
 Ang himig na sinta
 Di naman na ko umaasa pa
 Ayos lang sakin na wala na pero bakit ganon
 Ba't hanggang ngayon 
 Hindi maiwasang sayo'y lumingon
 Ang akin lang, sayang ng ginugol kong
 Panahong dapat sa sarili ko na lang itinuon
 Sa halip magtanong 
 Kung bakit hindi ka man lang lumingon
 Lang hiya, di pa rin sanay na nakikita kang
 May ngiti't di ako ang kasama
 Masakit pa rin pala ang pag-alala
 Ng pagtawa ko noon nang dahil sa iyo
 Wag na lang isipin na ikaw na rin
 Ang hinahanap niya
 Ang akin lang, sayang ng ginugol kong
 Panahong dapat sa sarili ko na lang itinuon
 Sa halip magtanong 
 Kung bakit hindi ka man lang lumingon
 Di naman na ko umaasa pa
 Ayos lang sakin na wala na pero bakit ganon
 Ba't hanggang ngayon 
 Hindi maiwasang sayo'y lumingon
 At wag na lang
 Isipin ang dating paglalaan
 Ng oras sa ating nakaraan
 Kung hawak na nya ang ‘yong puso
 Di sige, kayo kung kayo
 At di bale na
 Kung bukas pag gising andiyan ka pa
 Sa puso at diwa ng pagsinta
 Pagpapasalamat na lang ang ‘yong alaala
 Pero kung pu-pwede baka naman
 Tangina, di ko akalaing makikita ka
 Kung pwede lang ba sana'y umalis ka na
 Kung pwede lang ba sana'y di na lilingon pa
 Di naman na ko umaasa pa
 Ayos lang sakin na wala na pero bakit ganon
 Ba't hanggang ngayon 
 Hindi maiwasang sayo'y lumingon
 Ang akin lang, sayang ng ginugol kong
 Panahong dapat sa sarili ko na lang itinuon
 Sa halip magtanong 
 Kung bakit hindi ka man lang lumingon
 Sana man lang nagawang lumingon
 Palagi't palaging sayo'y lilingon
Written by: Ashley Saludes
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...