Video Musik

Video Musik

Dari

PERFORMING ARTISTS
Meek & Chill
Meek & Chill
Vocals
K-Ram
K-Ram
Vocals
M-Hot
M-Hot
Vocals
Ryan M. Armamento
Ryan M. Armamento
Guitar
COMPOSITION & LYRICS
Mark Nebson Lacerna Pinaga
Mark Nebson Lacerna Pinaga
Composer
Thomas Lynmuel Mayacyac
Thomas Lynmuel Mayacyac
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
Ryan M. Armamento
Ryan M. Armamento
Producer

Lirik

ASTA Lyrics
(Meek & Chill)
[CHORUS]
(K-Ram)
Ingat kapatid
Manatili ang paang nasa sahig
Nakangisi ang mga nakamasid
Nag-iinit sa astahang malamig
Hmmm...
(Mhot)
Ingat kapatid
Iba dyan, baka hindi ka mabatid
Nag-iinit ang matang nakamasid
Makakita ng astahang malamig
Hmmm...
[1ST VERSE] (K-Ram)
Uh, 'lam mo na dapat mo na gawin
'Di yung kaylangan ka pa na sawayin
Hayaan mong tao makakita ng 'yong talim
Magbubunga din lahat lalo na kung may pakikisama ka na tinanim
Habang yung iba gumugusto, puro beng beng
Cash, tsaka geng geng
At yung imaheng pinapakita mo sa lente, 'lam mo na syempre
Byaheng sayo lang din naman nakadepende
Mga awit na ang nais basagan bungo
Ang talento ba'y dun masusukat ng buo
pag ang gera'y madugo
Ginagawa na trip mga pekeng beef, kanya-kanyang pakulo
Paalalang 'di ikaw yan
'Di madaling makapanik sa hagdan
at ang sarili mo'y muli mong pakimasdan
Kasi iba dyan ay baka 'di ka matantsa
kaya
[CHORUS]
(K-Ram)
Ingat kapatid
Manatili ang paang nasa sahig
Nakangisi ang mga nakamasid
Nag-iinit sa astahang malamig
Hmmm...
(Mhot)
Ingat kapatid
Iba dyan, baka hindi ka mabatid
Nag-iinit ang matang nakamasid
Makakita ng astahang malamig
Hmmm...
[2ND VERSE] (Mhot)
Lahat gustong pumutok, sumabay sa uso
Panay usok para bogsa, lahat sapul
Paangasan tsaka porma, mapa-asunto
Pasok yan sa platapormang pula't asul
Kaso anumang tunay mo na kulay yan ay kusang lilitaw
Walang punto mga sulat na hilaw/hiyaw
Kahit magkakatunog pa bawat dulo ng bitaw
Kung 'di naman tumutugma sa tinutukoy mong ikaw
Lumaganap impluwensyang galawan ay lango
Humahawak ng baril sabay hanap katalo
Nahuling lumahok, gumanap at pumapel
Gumawa ng karakter sa akala nyang laro
Paalala lang na 'di ikaw yan
Reyalidad pa rin ang masdan
Tandaan na marami-rami na ring napaslang
at nasawi lang sa mali na pagkakakilanlan
kaya
[CHORUS] *distorted vocals*
(K-Ram)
Ingat kapatid
Manatili ang paang nasa sahig
Nakangisi ang mga nakamasid
Nag-iinit sa astahang malamig
Hmmm...
(Mhot)
Ingat kapatid
Iba dyan, baka hindi ka mabatid
Nag-iinit ang matang nakamasid
Makakita ng astahang malamig
Hmmm...
Written by: Mark Nebson Lacerna Pinaga, Thomas Lynmuel Mayacyac
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...