Video Musik
Video Musik
Dari
PERFORMING ARTISTS
Kristine Dawinan
Background Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Kristine Dawinan
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Grayfash
Engineer
Lirik
Umaawit ang mga tala
Sagot sa'ki'y mahal mo na raw
Ang tulad kong masarap kasama
Ngunit mailap sa pana ni kupidong napagod na
Umaamin ang mga mata
Wag dayain ang sarili
Hmm lumapit ka
Mahapdi sa umpisa
Kinalauna'y tatamis na rin ang nadarama
At ang lamat ng hindi pagkakaintindihan
Ay patuloy na ating babaliwalain
Yun ang aking hiling
Taglay na kapintasan
Dahilan kung bakit napakaraming damdamin
Madaling wakasan
Madaling palitan
At hindi ka rin naman takot
Sa kung ano ang kaya kong gawin
Nang wala ka sa tabi
Ba't wala ka sa tabi?
Pag wala ka sa tabi
Meron namang katabi
Pag wala ka sa tabi
At ang lamat ng hindi pagkakaintindihan
Ay patuloy na ating babaliwalain
Yun ang aking hiling
Wag magpalinlang
Di ako 'yong inakala
Wag magpalinlang
Di ako ang bahala
Wag magpalinlang
Ikaw lang ang kawawa
Wag magpalinlang
Di ako 'yong inakala
At ang lamat ng hindi pagkakaintindihan
Ay patuloy na ating babaliwalain
Yun ang aking hiling
Umaawit ang mga tala
Sagot sa'ki'y mahal mo na raw
Ang tulad kong masarap kasama
Ngunit mailap sa pana ni kupidong napagod na
Written by: Kristine Dawinan