Dari
PERFORMING ARTISTS
Ian Quiruz
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Ian Quiruz
Composer
Lirik
Hindi mo lang alam, matagal-tagal na rin
Akong may pagtingin, lihim, hindi napapansin
Saan kaya ako dadalhin ng aking mga sasabihin sa iyo?
Bahala na
Tao ka pa rin naman, bakit hindi ka matignan nang matagal?
At bakit ganyan, pinaglihi ka ba sa buwan?
Ilang saglit ay kakalas, baka tuluyan kang matunaw
Sa tingin ko sa iyo, sinta
Idinaraan na lang sa pagkanta
Para 'di naman masyadong halata
Bawat letra at kumpas, ang puso ang bumibigkas
Hindi mo lang alam

Na idinaraan na lang sa pagkanta
Para 'di naman masyadong halata
Bawat letra at kumpas, ang puso ang bumibigkas
Hindi mo lang alam
Nananatili akong nakatayo, hindi naninindigan sa nararamdaman
Kasabay ng pagkaubos ng oras, nagbabakasakaling may mabago sa pagtuturing
Pagdating ng panahon, nakikita ko'ng sarili kong nanatiling nakatayo
Ngunit sa malayo, sapagkat wala nang karapatang lumapit pa
Hindi mo lang alam, minamasdan kita
Hindi mo lang alam, minamahal kita
Sa bawat letra at kumpas, ang puso ang bumibigkas
Hindi mo lang alam
Hindi mo lang alam
Hindi mo lang alam
Hindi mo lang alam
Written by: Ian Quiruz