Crediti

PERFORMING ARTISTS
Jom
Jom
Performer
Crakky
Crakky
Performer
ALLMO$T
ALLMO$T
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Jomuel John Casem
Jomuel John Casem
Songwriter
Angelo Luigi Timog
Angelo Luigi Timog
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
MR. EPEE
MR. EPEE
Producer

Testi

Lagi na lang nag-aabang sa iyong pagdating
Ikaw pa rin ang reyna ko at tangi kong hiling
Sayo ko lang 'yon nadama ang hirap nang gawin
Bumalik sa dating tayo at muli kong damahin
Pagmamahal mong inalay para sa'kin
Kung inalagaan ko siguro'y nasa akin
'Di ko sinasadya na ito pa ay sayangin
Kung tayo ay magkita, lalapit ka ba sa'kin
Kahit na ngayon tila ba ‘di mo na ako kilala
Alaala mo sa akin ay nananatiling masaya
Sa imahinasyon na lang kita nakakasama pa
Dahil alam ko na malabo kang bumitaw sa kanya
Buti ka pa 'di mo na inaalala
Ang mga nangyari sa 'ting dalawa
Sa 'ting dalawa
Kung meron mang isang hiling yun ay ang makapiling ka
'Di na ko gumaling simula nung nawala ka
Buti ka pa masaya ka na
Habang ako ay pinagsisisihan ka
Nakita kong masaya ka sa kanya
Mukhang 'di mo na ako hinahanap-hanap pa
Pero andito lang ako kung iwanan ka man niya
Handa pa rin naman akong ipaglaban ka
Buti ka pa ngayon nakangiti
Maligaya sayong desisyong talikuran ako
Habang ako ito
Hindi mabuo sapagkat alam ko na may kulang ako
Buti ka pa wala na sayo
Buti ka pa meron nang totoo
Sayo na nagmamahal kahit dapat talaga iyan ay ikaw lang at ako
Wasak na wasak, wasak na wasak
Ilang alak na rin yung naubos sa kada gabi kong iyak
Alam kong basag pa rin naman yan kahit tama ng alak maubos lahat
Puno ng saya sayong mga mata habang ang iyong kamay ay nasa kanya na
Hindi ko makayang makita kita, makita kitang hawak na ng iba
Papano kita mababawi kung kahit pangalan ko ay nalimutan mo na
At 'di mo na rin maalala kung pano kita surpresahin at mag-abala
Paano kaya ngayon alam ko na ito ay huli na
'Di mo na rin magawa na gawing ako ay alahanin mo pa
Sana ako na lang yung katabi mo ngayon
Kasabay mong matulog hanggang sa bumangon
Hindi na lang sana ko nagpatangay
Makipaghiwalay pa sayo noon
Kaso huli na para pa pagsisihan kasi
Ngayon ay maligaya ka na
Oo masaya, yun nga lang 'di sa'kin
Kung 'di sa iba, kung 'di sa iba
Kung meron mang isang hiling yun ay ang makapiling ka
'Di na ko gumaling simula nung nawala ka
Buti ka pa masaya ka na
Habang ako ay pinagsisisihan ka
Nakita kong masaya ka sa kanya
Mukhang 'di mo na ako hinahanap-hanap pa
Pero andito lang ako kung iwanan ka man niya
Handa pa rin naman akong ipaglaban ka
Written by: Angelo Luigi Timog, Jomuel John Casem
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...