album cover
Larawan
1
Hip-Hop/Rap
Larawan è stato pubblicato il 5 giugno 2020 da Baybayin Records come parte dell'album Larawan - Single
album cover
Data di uscita5 giugno 2020
EtichettaBaybayin Records
Melodicità
Acousticità
Valence
Ballabilità
Energia
BPM61

Video musicale

Video musicale

Crediti

PERFORMING ARTISTS
Zynfinity
Zynfinity
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Zynder Jeison Malban
Zynder Jeison Malban
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Zynder Jeison Malban
Zynder Jeison Malban
Producer

Testi

Nananaginip nanaman ako at parang may hinahanap
Di mahagilap ang mga yakap na matagal nang pinapangarap
Nagpapanggap lang na maayos kahit halatang puno ng hirap
At sakit na dulot sa araw araw kong hinaharap
Tila ba sariwa pa rin ang mga sugat
Na dala ng kahapon nating may lamat na ng peklat
Nasusugatan din ako kahit na parang may agimat
Mabigat, di masukat, kahit pa tapat, di sapat sayo ang lahat lahat
Mga larawan nating dalawa
Nagsisilbing huli nating alaala
Bakit ba hindi ko mabura
Kasi hanggang ngayon mahal pa rin kita
Lumipas mga araw, segundo, minuto di ko na nabilang
Hinaharap ang bawat sakit gamit aking tapang
Mawalang galang, pero ba't parang di mabilang mga luhang
Pumatak
Di na napigilan umiyak nang mabiyak ang puso't damdaming di na matiyak
Kung pano pa ba ako muling makakabangon
Saking paglubog, umaasa ako na makakaahon
Di man ngayon, baka bukas na lang, baka bukas na lang
Susubukin kong mapunan ang puwang na naiwan bakas ng 'yong paglisan
Mga larawan nating dalawa
Nagsisilbing huli nating alaala
Bakit ba hindi ko mabura
Kasi hanggang ngayon mahal pa rin kita
Di ko alam ano'ng dapat gawin para ikaw ay tuluyang makalimutan
Ginawa naman lahat, pero bakit di sapat, nagtapos tayo sa hiwalayan
Ang sakit lang na malaman na iba na ang 'yong kasama sa isang larawan
Ang saya makita ng 'yong mga ngiti, kaso 'di na 'ko ang dahilan
Hindi ko napaghandaan ang sarili sa'king mga nakita
May iba na palang tumitingin sa mata ng aking sinta
Tinanong mo 'ko kumusta, sabi ko wag ka nang mag-alala
Di ka pa humihingi ng tawad, pinatawad na kita
Mga larawan nating dalawa
Nagsisilbing huli nating alaala
Bakit ba hindi ko mabura
Kasi hanggang ngayon mahal pa rin kita
Mga larawan nating dalawa
Mga larawan nating dalawa
Written by: Zynder Jeison Malban
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...