album cover
Kutsinta
album cover
Kutsinta è stato pubblicato il 27 marzo 2024 da Sony Music Entertainment come parte dell'album Kutsinta - Single
27 marzo 2024
EtichettaSony Music Entertainment
BPM
Melodicità
Acousticità
Valence
Ballabilità
Energia

Testi

Oh, sinta
Puwede bang pag-uwi natin
Ang aking ulo at paa
Ay iyong hilutin?
Oh, sinta
'Di naman sa ako ay nagpapapansin
At nagpapalambing
Pero parang gano'n na rin
Ngayong araw ay nakakapagod sa 'tin
Puwede na bang umuwi? May gusto akong sabihin
Dahil 'di mo alam, ika'y laging iniisip
'Di mo alam, ika'y nasa panaginip
'Di mo alam, ako'y laging nasasabik
Sa yakap mong mahigpit at sa iyong halik
Oh, sinta (oh, sinta)
Alam kong pagod ka rin
Sa 'yong trabaho
Kaya ako muna'ng bahala sa 'yo
Oh, sinta (oh, sinta)
Ako muna ang maglalaba
Pati ang pagkain
Ihahain ko na rin
'Di mo naman kailangang gawin ang lahat para sa 'tin
Puwede namang ikaw naman ang hihilutin
Dahil 'di mo alam, ika'y laging iniisip
'Di mo alam, ika'y nasa panaginip
'Di mo alam, ako'y laging nasasabik
Sa yakap mong mahigpit at sa iyong halik
Alam kong tayo ay
Tatanda rin
Huwag kang mag-alala
Ika'y mahal pa rin
Dahil 'di mo alam, ika'y laging iniisip
'Di mo alam, ika'y nasa panaginip.
'Di mo alam, ako'y laging nasasabik
Sa yakap mong mahigpit at sa iyong halik
Sa iyong halik
Sa iyong hilot at halik
Halika na, halika na
Umuwi na tayo
Halika na, halika na
Umuwi na tayo
Halika na, halika na
Umuwi na tayo
Halika na, halika na
Umuwi na tayo
Written by: Ben Joseph Dellosa, Kobe Andrei Dionela, Tothapi

Loading...