Video musicale

Video musicale

Crediti

COMPOSITION & LYRICS
Gus Magalona Avecilla
Gus Magalona Avecilla
Songwriter

Testi

Di ka hihinto di ka hihinto
Diretso man ang kalye o liko liko
Umulan man o tag init
Kumapit ka lang wag mainip
Di lahat ng laban ay panalo
Minsan darating naman ang pagkatalo
Ang buhay di pantay na parang plato)
Minsan ay kasado minsan nama'y tablado
Hindi araw araw ay biyernes
Meron ding lunes at martes hanggang sa huwebes
Tol a diyes pa lang anlayo pa ng sweldo
Ilang araw pa ang dadaanan na dehado
Magtrabaho araw araw ng kumita
Kailangang may gawin upang sumigla)
Bayaran na naman sa may atrenta
Tubig ilaw at matrikula at renta
Wag kalimutan pasalamat kay ama
Kahit walang masyadong biyayang nadarama
Kahit hindi sumasang ayon ang resulta
Darating ang araw kakapal ang bulsa
Araw-araw kang kumayod wag tumigil
Sarili lamang ang kalaban at pipigil
Sipag tyaga dagdagan ng konting gigil
Lahat makakamit tiwala lang wag ka titigil
Umulan man o tag init
Kumapit ka lang wag mainip
Bukas sa makalawa pwedeng sa isang linggo
Pwede ring sunod na buwan isang taon o pito
Pwede ding mangyare pwede ring hindi
Pwedeng mapuno kang bigla at mapunde
Pwede ring agad agad pwedeng magtagal
Walang sigurado lahat ito'y sugal
Tatambay ka lang ba o tutunganga
O gagawa ng paraan para ikay magbunga
Laging dalawang tanong laging dalawang sagot
Kaliwa o kanan wag kang mababagot
Iwasan ang ikumpara sarili sa iba
Dahil lahat naman tayo ay iba iba
Mayroong sa tingin mo ay mas pinagpala
Huwag seryosohin ang iyong maling akala
Yung hindi mo inakala siya pang natutuloy
Gawa lang ng gawa madaming bara buhay ituloy
Araw-araw kang kumayod wag tumigil
Sarili lamang ang kalaban at pipigil
Sipag tyaga dagdagan ng konting gigil
Lahat makakamit tiwala wag titigil
Umulan man o tag init
Kumapit lang wag mainip
Written by: Gus Magalona Avecilla
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...