album cover
Pass
1
Hip-Hop/Rap
Pass è stato pubblicato il 13 gennaio 2025 da Fatal Sign Records come parte dell'album Ahyeah!!!
album cover

Crediti

PERFORMING ARTISTS
Numerhus
Numerhus
Rap
COMPOSITION & LYRICS
Joseph Arnold Maranan
Joseph Arnold Maranan
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Numerhus
Numerhus
Mastering Engineer

Testi

[verse]
Madalas kong malimutang si Numerhus ako
Sa tuwing paparamdam mo na ako'y kulang sayo
Mga panahong naghahabol nanlilimos ng atensyon
Sinasaktan aking sarili para lamang ma-gets mong
Ikamamatay pag ikay nawala
Sa twing maalala'y sadyang natatawa
Dati pala kong tanga at para kawawang aso
Iniwan inabandona na ng sariling amo
Dami ko pinalagpas na oportunidad
Mga lungkot na pumipigil sa aking pag unlad
Pagmumukmok na umaabot ng halos isang linggo
Hinihintay ko pagdating mo
Di makatulog balisa sa buhay ay walang gana
Dinipende ko sayo kahit na malala ka
Pikit mata sa lahat kumpirmadong may iba
Ganyan ako sayo non pero ngayon tangina
[chorus]
Pasensya kung ako'y malayo na sa dating ako
Pasensya na kung hindi mo na ako mauuto
Pasensya kung sa bawat pagtawag mo'y wala ng sagot
Pasensya na hah di na ako yun
[verse]
Nakakagulat bang di nako tinatablan
Maraming higit sayo oo prangkahan lang
Tinuring kitang mundo at syang aking tahanan
Subalit pinalayas mo na sarili lang ang tangan
Parang damit sa sampayan hinayaang mabasa
Nawalan ng pag asa kaya ngayon asa ka
Na gaya pa rin ng dati ang pagtingin ko sayo
Kung nanatili ka kasama ka sa pagangat ko
Kung kinaya ko noon ngayon pa kaya
Nakausad ng walang ikaw sa lungkot nakalaya
Di na papakukulong sa sitwasyong kaawa awa
Wala ka ng mauuto dito ulitin ko wala na
Dun ka sa pinili mo na di ka magawang piliin
Wag mo ko istorbohin sarili mo ang yung sisihin
Marami pa ako plano maging mayaman ang misyon
Pero salamat pa rin dahil naranasan ko iyon
[chorus]
Pasensya kung ako'y malayo na sa dating ako
Pasensya na kung hindi mo na ako mauuto
Pasensya kung sa bawat pagtawag mo'y wala ng sagot
Pasensya na hah di na ako yun
Written by: Joseph Arnold Maranan
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...