Video musicale
Video musicale
Crediti
PERFORMING ARTISTS
Julie Anne San Jose
Vocals
Abra
Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Julie Anne San Jose
Composer
Raymond Abracosa
Composer
Testi
[Verse 1]
Bakit hindi ko maintindihan, huh?
Sino ba at nasaan? Ha?
Ano siya, anito? Superhero?
Taga-rito ba? O baka taga-buwan?
Ano ba yan? Gawa-gawa lang ba ng tao?
O kabaliktaran, tulad ni Adan?
Yung totoo 'di mo alam, ayaw makialam
O wala ka lang pakialam
Ang dami nang namamatay, pumapatay
Nagpapakamatay at nabubuhay sa mali
Mga bata'y nadadamay sa mga away
Ang gulo na ng mundo na kulang sa pansin
Puro pa gera dulot ng pera
Nakakalungkot, ba't ba ubod ng dedma?
Punyeta, retreat sa kweba
Oras na ma-Sodom at Gomorrah 'tong buong planeta, teka
[Chorus]
Kayrami ng tukso, nand'yan at lalapit sa'yo
Mga matang nakasunod, nakabantay, naglalakbay
Sa pagitan ng dilim at ng liwanag, mapait ang katotohanan
Sa mundong makasalanan
[Verse 2]
Pa'no kung walang kabilang buhay?
Pa'no niyo kami matutubos?
Pa'no kung wala paring patunay at yun ay
Kasi wala naman talagang Diyos
Na bwakaw magpasamba
Kung ayaw mo daw, mananalanta
Pero gano'n pa rin naman kahit magdasal ka
Tingnan mo Deutronimio kung mapagmahal siya
Nasa'n na ba kasi 'yung ebidensya?
Mukhang natakpan ng piring ang sistema
Mga pruweba ng primitibong siyensya
Mahirap tanggapin na para ding penitensya
Sentensiya, sa mga mapang-abuso
Kontrolado utak kapag kahawak ang puso
Punto, sa'n patungo ang relihiyon?
Sa katapusan ba ng mundo o sa Panginoon? Bakit gano'n?
[Chorus]
Kayrami ng tukso, nandiyan at lalapit sa'yo
Mga matang nakasunod, nakabantay, naglalakbay
Sa pagitan ng dilim at ng liwanag, mapait ang katotohanan
Sa mundong makasalanan
[Bridge]
Minsan, 'di natin nababatid ang kamalian ng lahat
Na siyang kay hirap tanggapin
At kahit iisa ang kinikilalang Diyos Ama
Ang tanong, bakit yata parang dedma yung iba?
[Verse 3]
Nasaan? Nasaan ang kaligtasan?
Kapag naghiganti na si Inang Kalikasan?
Delubyo tapos tuhog sunog, chicken inasal
Halik ni kamatayan sa kamay ng kabihasanan
Sino ba dapat sisihin para sa kasamaan
Demonyo ba o malayang pagpasyang may kapatarawan?
May kaluluwa po ba talaga yung katawan
O kathang-isip lamang ng mga takot sa kawalan?
Kailangan ko ng bendisyon
Maliwanagan parang Thomas Edison
Kahit mabusisi, alam ko sa sarili ko
'Di ko kayo kinekwestiyon, malayang desisyon
Kasi imposibleng inimbento ka lang
Sino ang arkitekto? Sikreto na lang
Perpekto lahat pwera tao disenyo pa lang
Ang tanong, bakit gano'n? 'Yan ang palaisipan
[Chorus]
Kay rami ng tukso, nandiyan at lalapit sa'yo
Mga matang nakasunod, nakabantay, naglalakbay
Sa pagitan ng dilim at ng liwanag, mapait ang katotohanan
Sa mundong makasalanan
Written by: Julie Anne San Jose, Raymond Abracosa


