Testi
O, mga kasama, halina, halina
Mag-alay ng panalangin
At dalawin, halina, halina
Ang sanggol ng Inang Birhen
Maghanda-handa sa pagdiriwang nating gagawin
At sikapin ding mapagmahal ang damdamin natin
At lahat tayo ay dapat magdasal nang mataimtim
Nang tayo'y pagpalain
O, mga kasama, halina, halina
Mag-alay ng panalangin
At dalawin, halina, halina
Ang sanggol ng Inang Birhen
Sa belen tayo ay magsidalaw
At mag-alay ng ating paggalang
'Ya'y tungkulin habang-buhay
Ng bawat taong isinilang
O, mga kasama, halina, halina
Mag-alay ng panalangin
At dalawin, halina, halina
Ang sanggol ng Inang Birhen
Maghanda-handa sa pagdiriwang nating gagawin
At sikapin ding mapagmahal ang damdamin natin
At lahat tayo ay dapat magdasal nang mataimtim
Nang tayo'y pagpalain
O, mga kasama, halina, halina
Mag-alay ng panalangin
At dalawin, halina, halina
Ang sanggol ng Inang Birhen
Written by: L. Silos, S.Y. Ramos


