album cover
Desperado
album cover
Desperado è stato pubblicato il 8 maggio 2026 da Viva Records come parte dell'album Fictions You Produce
8 maggio 2026
EtichettaViva Records
BPM61
Melodicità
Acousticità
Valence
Ballabilità
Energia

Testi

[Verse 1]
Daming umaasa sa dalangin
Wala namang lakas na umamin
'Di ba mas mahirap na hulihin
Ang nararamdamang isinusulat sa hangin?
[Verse 2]
Kongkreto ang tapat na pag-ibig
Kinukulang lamang sa agos at pagbigkas ng loob
Pa'no kasi ang hirap isalin
Ng katibayan na totoo ang damdamin
[PreChorus]
Talo palagi ang mahiyain
Kulang sa lalim kung pahiwatig lang
Bawat pagkakataong umamin
Nauunahan ng gapang sa bawat baitang
[Chorus]
Desperado, desperado (Desperado)
Kahit sa guni-guni
Luging-lugi pa rin sa 'yo
Detalyado, detalyado (Detalyado)
Ang pagmumuni-muni mo
Sa bumibitaw sa 'yo
[Verse 3]
Mm-mm, yeah
[Verse 4]
Hindi sa 'di ko pinapahiwatig
Sadyang wala lang talagang alam
Kung pa pa'no nga ba inaakit
Ang isang kaibig-ibig na binibini?
Gabayan mo na lang ako
Kung handa ka na, handa na ba?
[PreChorus]
Talo palagi ang mahiyain
Kulang sa lalim kung pahiwatig lang
Bawat pagkakataong umamin
Nauunahan ng gapang sa bawat baitang
[Chorus]
Desperado, desperado (Desperado)
Kahit sa guni-guni
Luging-lugi pa rin sa 'yo
Detalyado, detalyado (Detalyado)
No'ng kinilatis mo 'ko
Gamit lamang mga labi mo
Written by: Arthur Nery

Loading...