album cover
ULAP
1318
R&B/Soul
ULAP è stato pubblicato il 30 giugno 2026 da kiyo come parte dell'album ULAP - Single
album cover
Più popolari
Ultimi 7 giorni
01:35 - 01:40
ULAP è stata scoperta più frequentemente a circa 1 minuti and 35 secondi dall'inizio la canzone durante la settimana passata
00:00
00:10
00:25
01:00
01:35
01:55
04:40
00:00
04:50

Video musicale

Video musicale

Testi

[Intro]
Ooh, ooh, ooh, ooh
[Chorus]
Naglalaro ang aking isip
Na para bang nananaginip
Oras ay igapos, para 'di matapos
Huwag mo na isipin 'yung hapdi ng mga galos
Kahit puro halos sa ngayon makakaraos
Din naman sa tamang panahon
Lahat yan maaayos, yeah
[Verse 1]
Lagi kong tanong, sinong sasalo?
'Pag 'di ko na kaya 'yung natatamo
Alam ko na kaya ko na mag-isa
Pero 'di 'ko maalis sa isip 'yung pangangamba
[Verse 2]
Na pa'no na kung mga tanong
Ko sa isipan walang sumagot
Heto na naman ako't malungkot
Laging alipin ng pagkabagot
Daming naglalaro sa 'king isipan
Kaso walang masabihan
Bigla ko na lang naalala
Meron pala akong mga kaibigan
[Verse 3]
Lagi mong isipin
Balang araw papanik
At ang lahat ng paghihirap mo
Tiyak merong babalik
Patuloy sa pagyabong, mm
[Chorus]
Naglalaro ang aking isip
Na para bang nananaginip
Sa ulap sumisilip, nakaupo sa gilid
Nagtatanong nangangamba
Kailan ba ako kakalma?
Sinasagip lang ng kanta
[Verse 4]
Humimik sa bintana, doon ko sinigaw
Damdamin ko ba'y tama, o naliligaw?
Gulong-gulo ang isip ko, wala akong magawa
Kailangan ay mapili ko ang tama kong daan
[Verse 5]
Anong pupuntahan nitong mga tanong ko?
Sarili ko na lang lagi ang aking niloloko
Nilalaro ang damdamin ng usok at apoy
Nagbabakasakali na aking mataboy
Ang pangit na amoy ng kahapon pinagdaanan
Mga sugat ko sa laban, sa buhay
Ang talo ay ang palasuko
Natutunan ko lahat sa paraan na madugo
[Chorus]
Naglalaro ang aking isip (Naglalaro ang aking isip)
Na para bang nananaginip (Na para bang)
Kahit alanganin laging papalarin kapalaray mag-iba
Basta maniwala ka sa iyong sarili, oh
[Verse 6]
Unti-unting maimumulat sa iba'y magbigay liwanag
'Di nabanggit sa sarili na
Makipaglaro sa himig habang panalangin inaawit
Tatalintana ang paligid, nakalabas na sa aking city
At pilit na sinisilip sa lingid ang aking kaalaman
Aking kamalayan ay iyong binuksan
Sarili ko ay iingatan na
[Verse 7]
Makakasama ba kita 'pag ka walang makapa?
Sa bulsa ko palaging dala-dala kita
Minsan natatakot ako na maging masaya
Tila may kasunod na lungkot na nagbabadya
Laging nananabik, 'pag pangalan mo naririnig
Sa tenga na nakadikit, ah
Hindi na makaalis, hindi ako aalis
[Verse 8]
Sabay tayong tatanda, aah
Magkapulupot parang gagamba
Wala kang magagawa
Hindi na mangangamba
[Chorus]
Naglalaro ang aking isip
Na para bang nananaginip
Idadaan ko sa kanta
Naglalaro ang aking isip (Naglalaro ang aking isip)
Na para bang nananaginip (Na para bang)
Written by: Emmanuel Sambayan, Genesis Lago, Jerald Mallari, Kiyo, Yukihiro Rubio
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...