クレジット
PERFORMING ARTISTS
Halina
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Divino Dayacap
Songwriter
歌詞
Kung 'di man sa gabi ay sa aking umaga
Binabalot, nakakumot ang aking pag-iisa
Laging sinasabi sa sarili na sana'y hanginin
Ang damdamin palabas ng bintana
Kung 'di man talaga at kaya mo akong tiisin
'Di na iisiping ba't gano'n?
Nagbago talaga ang aking mga pananamit
Laging nasa isip
Ba't gano'n ang tanong?
Ba't gano'n ang tugon?
Hindi maaabala sa tahimik na tahanan
Sa may kuwarto, do'n tinago ang aking pag-iisa
Laging sinasabi sa marami na hanapin ang sarili
Ngunit bakit nakapaskil ka sa 'king mga dingdingan?
Kung 'di man talaga at kaya mo akong tiisin
'Di na iisiping ba't gano'n?
No'ng ika'y muling dumating, ako'y bigla na lang napanalamin
Laging nasa isip
Ba't gano'n ang tanong?
Ba't gano'n ang tugon?
Nagmahal mag-isa
Nagmahal, nag-isa
Written by: Divino Dayacap