クレジット
歌詞
Maaaring 'di mo nakita
Maaaring 'di nadama
Manhid na ba ang mga mata?
Wala ka na bang mga bala?
Dati'y puno ka ng ideya
Kung pano tayo isasalba
Sasabihin ko ba
Itong nadarama?
Maghihintay pa ba na sabihin kong "oo"
Umaasa na maibabalik ang dati na tayo
Kung nauubos ka na
Maghihintay ako
Maghihintay na mabalik ang dati na tayo
Pwede ko bang malaman
Kung san ba ako nagkulang
Baka sakaling magawan ko ng paraan
Susubukan kong punan
Ang 'yong pangangailangan
Para hindi mo ako iwanan
Sasabihin ko ba
Itong nadarama
Naghihintay pa ba na sabihin kong "oo"
Umaasa na maibabalik ang dati na tayo
Kung nauubos ka na
Maghihintay ako
Maghihintay na mabalik ang dati na tayo
Sasabihin ko ba
Itong nadarama
Sasabihin ko ba
Itong nadarama
Maghihintay ako na sabihin mong "oo"
Umaasa na sana ay may pag-asa pa tayo
Kung nauubos ka na
Hayaan mo ako
At gagawin ko ang lahat upang mabalik tayo
Written by: Similar Sky