クレジット

PERFORMING ARTISTS
Martin Riggs
Martin Riggs
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Martin Riggs O. Nuñez
Martin Riggs O. Nuñez
Songwriter

歌詞

So para ‘to sa lahat ng mga to na
Ah, pa’no ba
Para ‘to sa lahat ng mga tao na nahusgahan dahil meron silang tattoo
Umiinom, nagyo-yosi
Tsaka para sa lahat ng mga tao na
Mabait na sila ‘pag nagsisimba sila tuwing Linggo
Sa ’kin lang naman ah, hindi mo ikinasama kung naninigarilyo ka
Umiinom ka, nagyo-yosi ka
“Di mo rin kinabait kung nagsisimba ka tuwing Linggo
So para sa lahat ng mga nahusgahan, pasensya na kayo
Para sa lahat ng mga nanghuhusga at nagpapanggap, putangina niyo
Amen, amen
Amen, amin ang pilipinas
Amen, amen
Magbanal-banalan pa
Anong natututunan niyo sa linggo- linggo niyong pagsisimba
Kinabisadong mga talata bakit mo niyayabang sa madla
Na ika’y nagdarasal sana ipagdasal mo ang iyong asal
Wala sa bibliya ang purgatoryo sabi ni Jose Rizal
Maraming may tattoo’t umiinom nagpapausok
Pero ‘di nagpapanggap katulad mo
Maliwanag ang mensahe
‘Di ka minamasahe
Huwag ka masyadong komportable
Pare-parehas ang rehas natin pare
Damang-dama, sobra ka na
Huwag na kayo mag banal-banalan pa
Mahirap ang bansa pero may magandang kapilya
Pag ‘di kasali sa labas may pila pero kay tamis ng dila
‘Di nagbabayad ng buwis pero nagbubuwis ng buhay ng iba
Mabait para magpadala sa langit
Maraming may tattoo’t umiinom nagpapausok
Pero ‘di nagpapanggap katulad mo
Maliwanag ang mensahe
‘Di ka minamasahe
Huwag ka masyado komportable
Pare-parehas ang rehas natin pare
Damang- dama, sobra ka na
Huwag na kayo magbanal-banalan pa
Sa kalsada nagkalat tintang pulang pinangsulat ko sa kanta
Sabi ni Magalona walang payapa kung baril ay ginagamit pa
Tayo’y tunay bang malaya kung dagat natin inangkin ng iba
Diyos umiiyak sa langit si kamatayan tumatawa sa mga mangmang
Maraming may tattoo’t umiinom nagpapausok
Maraming may tattoo’t umiinom nagpapausok
Pero ‘di nagpapanggap katulad mo
Maliwanag ang mensahe
‘Di ka minamasahe
Huwag ka masyado komportable
Pare-parehas ang rehas natin pare
Damang-dama, sobra ka na
Huwag na kayo magbanal-banalan pa
(Amen, amen)
Magbanal-banalan pa
(Amen, amin ang pilipinas)
Magbanal-banalan pa
Amen, amen
Magbanal-banalan pa
Huwag na kayo magbanal-banalan pa
Written by: Martin Riggs O. Nuñez
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...