クレジット
PERFORMING ARTISTS
JustRap
Performer
COMPOSITION & LYRICS
John Rafael Carandang
Songwriter
Jessie Quintela
Songwriter
Jamel Noceda
Songwriter
Armie Key Cantonjos
Songwriter
Chesternite Aguilar
Songwriter
Earl Febrile Adrigado
Songwriter
歌詞
Talaga naman nakakabighani ang taglay na ganda mo
Tumitigil ang mundo ‘pag nasisilayan ko
‘Yang mga ngiti mo kaso pa’no sasabihin
Pa’no sasabihin sa ‘yo
Itong aking lihim na hindi maamin
Pa’no ko nga ba sasabihin sa ‘yo ‘to
JustRap
Una pa lang na masilayan ka ‘di na maipaliwanag ang nadarama
Alam ko na mga linyang ‘to ay gasgas na
Pero binibini baka pwedeng makinig ka
Kasi ‘di ko na matago pero determinado
Iparinig sa ‘yo sigaw ng puso ko
Kahit ‘di interesado kasi ‘di ako tipo
Sana kahit konti ay mapansin mong
Patuloy umaasang mahagip ng ‘yong mga mata
O malapitan makausap lang ako ay masaya na
Kung sakali man na sa ’king panaginip makasama
Tagal ko na ‘yang pantasya
Kaso ‘di ko nga alam kung pa’no ba ito sisimulan
Hirap akong aminin kung anong nilalaman
Natatakot na sabihin baka isnabin mo lang
Pero pa’no nga ako makakalapit kung hindi humahakbang
At sabihin na
Oh girl napakaganda mo, all the boys out there nabibighani mo
Ain’t gonna lie you’re my crushie
My only wish just to make you mine, shawty
Sana ako ay iyong mapansin
Pangalan ko’y tanungin
Sa malayo lang titingin
At lakas loob umamin
Oh girl that eyes and the fleek
Kakilig pwede bang mapasa‘kin
Goin’ crazy it’s so hard to speak
Just one shot dreaming we’re kissing
Oh baby just let me have you one night
Or wishing forever ‘til the end of time
Talaga naman nakakabighani ang taglay na ganda mo
Tumitigil ang mundo ‘pag nasisilayan ko
‘Yang mga ngiti mo kaso pa’no sasabihin
Pa’no sasabihin sa ‘yo
Itong aking lihim na hindi maamin
Pa’no ko nga ba sasabihin sa ‘yo ‘to
Pa’no nga ba sasabihin sa ‘yo ang nararamdaman
Kung parang timang at nahihibang sa kakaabang
Kung kaílan ang tamang panahon para masabi nang
Ikaw ang laman ng puso
Ikaw ang siyang bumubuo
Ikaw ang siyang laging laman ng isipan ko, oh bakit gan’to
Ang nararamdaman kaso hindi ko masabi
Nauutal lagi kapag ika’y nasa malapit
Nagdarasal na sana ikaw ang hulog ng langit
Sa akin ‘yan ang aking mga pinapanalangin
At sana’y mapangiti kita kahit konti
Kahit minsan ay medyo korni
Palagi-lagi iniisip ka sana lagi ay ayos ka
Meron akong tinatago sa ‘yo kahit malabo na pansinin
Dahil nga ako ay barumbado pero determinado na ituloy ang plano
Na makamit at madinig ang matamis mong oo
Kinikilig sa tuwing nadidinig ang tinig na mula sa ‘yong bibig
Hinihiling na iyo ring naririnig sinisigaw nitong
Dibdib kaya kahit hindi bilib sa ’king sarili ay mananatili
Na ikaw pa rin ang iibigin kahit pagtingin
Sa ‘yo’y nanatili pa ring lihim kaya kahit na alipin ng aking kaduwagan
Na aminin sa iyo, ay ‘di ako susuko hanggang sa mabanggit ito
Kahit marami mang lalaki ang sa ’yo ay may gusto
‘Di pa rin magbabago ang pagtingin sa ‘yo kahit ‘di mo nakikita
‘Di napapansin matagal na ‘kong tumitingin sa ‘yo nang palihim
Sanaý malapitan kahit minsan
‘Yun lang naman talaga ang lagi kong hiling
Kaya sana’y pagbigyan minsan
Makasama ka man lang sa mga panaginip ko
Kahit na walang laman ang aking mga bulsa
Pati na rin ang wallet ko, yeah
Pipilitin kong gawin ang lahat para lang makuha ko ang pansin mo
Kahit pa magmukha akong funny, sana’y paniwalaan mo
Talaga naman nakakabighani ang taglay na ganda mo
Tumitigil ang mundo ‘pag nasisilayan ko
‘Yang mga ngiti mo kaso pa’no sasabihin
Pa’no sasabihin sa ‘yo
Itong aking lihim na hindi maamin
Pa’no ko nga ba sasabihin sa ‘yo ‘to
Pipiliting mapasa’kin ang pag-ibig na aking hinihiling
Kahit ‘di mo pa napapansin lagi lang sa ‘yo’y nakatingin
At patuloy na umaawit na sana ay pagbigyan mo rin
Talaga naman nakakabighani ang taglay na ganda mo
Tumitigil ang mundo ‘pag nasisilayan ko
‘Yang mga ngiti mo kaso pa’no sasabihin
Pa’no sasabihin sa ‘yo
Itong aking lihim na hindi maamin
Pa’no ko nga ba sasabihin sa ‘yo ‘to
Talaga naman nakakabighani ang taglay na ganda mo
Tumitigil ang mundo ‘pag nasisilayan ko
‘Yang mga ngiti mo kaso pa’no sasabihin
Pa’no sasabihin sa ‘yo
Itong aking lihim na hindi maamin
Pa’no ko nga ba sasabihin sa ‘yo ‘to
(Pa’no nga ba, pa’no nga ba sasabihin to’)
JustRap
Written by: Armie Key Cantonjos, Chesternite Aguilar, Earl Febrile Adrigado, Jamel Noceda, Jessie Quintela, John Rafael Carandang