クレジット
PERFORMING ARTISTS
EZRO
Performer
Alpuerto Sisters
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Ezequiel Quejano
Songwriter
Jaworski Garcia
Songwriter
歌詞
Naaalala ko pa lahat sa atin
Bigat ng ‘yong damdamin
Pati lamig ng hangin
Kahit anong aking gawin
Alam ko na ako'y hanggang tingin
Na lang sa ‘yong litrato ang dami nang nagbago
Siguro nga… oh oh oh oh…
Hanggang dito na lang, dito na lang
Siguro nga… oh oh oh oh…
Hanggang dito na lang, dito na lang
Dito na lang
Kamusta na ano ang ‘yong ginagawa
Pwede bang makipagkita
‘Wag na lang kaya
Baka hindi ko lang kayanin awatin
Pilitin ang sarili kalimutan mga nagawa
Mauulit pa kaya ‘yung tayong dalawa
Magkasama't magkahawak ang kamay tanda ko pa
Palagi kang nakangiti harutan mga kiliti natin
Na para bang unti-unting nabubura
Sa limot lahat ng bagay
Mga sulatan nating inubos na ng anay
Mga lambingan natin pagkatapos ng away
Ang lahat ay nag-iba pero hanggang ngayon hindi pa rin nasanay
Naaalala ko pa lahat sa atin
Bigat ng ‘yong damdamin
Pati lamig ng hangin
Kahit na anong aking gawin
Alam ko na ako'y hanggang tingin
Na lang sa ‘yong litrato, ang dami nang nagbago
Siguro nga… oh oh oh oh…
Hanggang dito na lang, dito na lang
Siguro nga… oh oh oh oh…
Hanggang dito na lang, dito na lang
Dito na lang
Ang dami nang nangyari at lumipas na taon
Ang dami mong nasabi kaso puro lang tanong
Kapag ako'y yayakap sa iyo ang lagi mong tugon
Ay pag-iwas sa ‘kin may kasama pang bulong
Teka sariwa pa sa akin ang mga nangyari
Umiiyak ka no’n pakiramdam mo ‘di masabi
Gusto kitang yakapin sabihing mahal kita
Pero hindi na nangyari kasi ako'y naging tanga
Mas pinili kong umiwas palipas ng oras
Humanap pa ng butas at bukas lumikas
Imbes na ang luha mo sa damit ko ay ipunas
Tumalikod at inisip na ito'y wala nang lunas
Hindi mo sinubukan na lumapit
Ako'y naghihintay lamang sa yakap mo at kapit
Kaya ngayong lumipas ang mahabang panahon
Alaala natin ay tuluyan nang naikahon
Habang hawak ang litrato nating dalawa
Tuluyan na tumulo ang luha sa ‘king mata
Alam ko sa sarili na huli na ang lahat
Pagmamahalan natin ay hindi na pwedeng mag-ugat
Siguro nga sa alaala lang kita
Muling makakapiling at muli pang sasaya
Nakakalungkot lang kasi hindi na talaga
Pwede pang maulit ang lahat-lahat sa umpisa
Naaalala ko pa lahat sa atin
Bigat ng ‘yong damdamin
Pati lamig ng hangin
Kahit anong aking gawin
Alam ko na ako'y hanggang tingin
Na lang sa ‘yong litrato ang dami nang nagbago
Siguro nga… oh oh oh oh…
Hanggang dito na lang, dito na lang
Siguro nga… oh oh oh oh…
Hanggang dito na lang, dito na lang
Dito na lang
Siguro nga wala na talaga
Wala na ngang pag-asang makasama pa kita...
Siguro nga hanggang dito na lang
Dito na lang, dito na lang
Hanggang dito na lang…
Written by: Ezequiel Quejano, Jaworski Garcia