クレジット
PERFORMING ARTISTS
Kolintino
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Dreu Colin Datinguinoo
Songwriter
Johnsel Flores
Composer
Mat Olavides
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
Mat Olavides
Producer
歌詞
Kasi mahirap na akyatin pa ang puno
Bago magkasanga, may binhi pang tutubo
Sige, magsipag ka kahit ang pawis ay tumulo
Basta laging tandaan, laging tatagan
May maaani din sa dulo
Lumaban at 'di tumakbo dahil pudpod na ang sapatos
Hinarap ko lang ang galit para sa pantig, makaraos
Walang madidinig lalo na't kung sabay ka lang sa agos
Sasayangin lang ang sigaw, binigay na lang sa paos
'Yan ang karayom na sa utak ko'y laging bumabaon
Sinulit ang sinulid para matagpian ko pa 'yun
Umukit at gumuhit sa palad, bilang na desisyon
Sa pawis na sinasalo'y kulang pa ang isang galon
Kasi mahirap na akyatin pa ang puno
Bago magkasanga, may binhi pang tutubo
Sige, magsipag ka kahit ang pawis ay tumulo
Basta laging tandaan, laging tatagan
May maaani din sa dulo
Kahit na ano'ng gawin, ako ay gano'n pa rin
Nilagpasan bawat lubak gamit ang angking galing
Puyat na sa pagsusulat para lamang mahambing
N'yo ako sa mga 'yan na'ng habol lang ay katiting
Gusto ko, 'tol, ay buo, at para d'yan, paghihirapan ko
Wala akong paki kung ako ay makikitaan n'yo
Ng kayabangan, eh, ano'ng pakialam ko?
'Di naman kasi nagsisipag para sa inyo
'Pagkat alam ng mga tunay kung pa'no 'to makisama
Hindi pwedeng baka na lang ako ay makikibaka
Kaya, repa, tuloy lang, punan mga patlang
'Wag kang titigil kahit na sarili ang maging hadlang
At ako, aminado, naging duwag din ako dati
Ngunit 'di naging takot, para sa 'kin, may masabi
Kung pudpod na ang 'yong tuka, tari ang 'yong patalasin
Walang masamang maging handa kung delikado ang tatahakin
Mahirap na akyatin pa ang puno
Bago magkasanga, may binhi pang tutubo
Sige, magsipag ka kahit ang pawis ay tumulo
Basta laging tandaan, laging tatagan
May maaani din sa dulo
Written by: Dreu Colin Datinguinoo, Johnsel Flores, Mart Sam Emmanuel Olavides