クレジット

歌詞

Kumakaripas ang takbo papalayo
'Di inaasahang sa ganito tutungo
Ikaw ay palutang-lutang
Na inaanod sa dagat
Hanggang gano'n na lang ba?
Wala na bang pag-asa?
Ba't 'di mo baguhin ang 'yong daanan
Para 'di ka mapunta sa kawalan?
Ba't 'di mo baguhin ang 'yong landas?
Baka sakaling may pag-asang umayos lahat
Ang iyong tadhana, woah
Mga tao sa daanan
Na iyong kinakatakutan
Hindi mo malampasan
Nang dahil sa 'yong kasalanan
Ba't 'di mo baguhin ang 'yong daanan
Para 'di ka mapunta sa kawalan?
Ba't 'di mo baguhin ang 'yong landas?
Baka sakaling may pag-asang umayos lahat
Ang 'yong tadhana
Ba't 'di mo gamitan ng lakas ng loob
Upang hindi malugmok
Naligaw ka man sa iyong landas
May nag-aantay sa 'yong malayang bukas
Ba't 'di mo baguhin ang 'yong daanan
Para 'di ka mapunta sa kawalan?
Ba't 'di mo baguhin ang 'yong landas?
Baka sakaling may pag-asang umayos lahat
At 'yong binago ang 'yong daanan
Hindi ka na sa mapupunta sa kawalan
Ngayon ay nagbago ang 'yong landas
Hindi ka na mangangamba dahil naayos na lahat
Ang iyong tadhana
Ang iyong tadhana, woah
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...